Versuch

Ang mga nakalagay dito ay pawang trip lamang

Bat ako gumawa neto?

Leave a comment

Gumawa ako neto kasi bored ako. Madali kasi akong mabored. Tinatry ko lang din magsulat baka may patunguhan tong trip kong to’. Baka tong site na to masayang din kasi baka mabored din ako kagad tas di ko na magagalaw. Dadagdag lang to sa cloud storage ng World wide web. Di ko alam kung cloud storage ba talaga ginagamit nila sa memory sa Internet. Baka ikaw alam mo.

Alam mo wala naman kwenta tong mga sinusulat ko eh. Pampalipas oras ko lang magsulat at maglagay ng mga salita dito. Wala ngang consistency topic ko eh. Siguro kung umabot ka sa part na to, masipag kang magbasa. Saludo ako sa’yo kasi kokonti nalang yung nagbabasa. Baka nga di mo sa unang paragraph pa lang umayaw ka na o kaya sa title pa lang ng post na to’ o baka di mo pa ito nabibisita.

Siguro pag natapos mo basahin to, di ka na ulit bibista sa page na to. Nasayang lang oras mo eh. Siguro mga 3 mins. Para ka na rin nagtoothbrush nun. O Baka naman sobrang bored mo eh nakarating ka na sa mga liblib na lugar sa Internet tulad neto. Sa tingin mo, tatagal kaya tong page na to?  Wala naman kaaya-aya dito tsaka sa profile ko pa lang eh aayaw ka na. Siguro pag medyo ginanahan ako, maglalagay ako ng mga kababalaghan dito.

Ang tindi mo pag umabot ka sa part na to. Isa kang alamat. Bored na bored ka na siguro sa buhay mo no? O baka naman nagskip ka lang ng paragraph at naghahanap ng mapupulot sa write-up na to. Bakit mo pa binabasa tong linyang to? Bored ka na siguro talaga or as if naman na may babasa neto hahaha. Ito ang malayang pagsusulat. Lahat ng lumalabas sa isip ko sinusulat ko kagad. Walang delete delete pero tingin mo di ako nagdelete?

Magpapasalamat ako sa’yo kung natapos mo tong basahin. Nakadagdag ka sa traffic ng page na to. Madadagdagan na ang taong nasira ang buhay o nasayang ang oras kakabasa mo dito. Pero bilib ako sa’yo dahil umabot ka sa huli. Ilang minuto na kaya nasayang mo? Mga 7 mins? Para ka na ring tumae nun pag di ka constipated at puro walis sa tiyan yung kinakain mo at di ka ganun kacarnivore. Gusto ko na tapusin tong write-up na to. Sige.

Advertisements

Author: alingjoy

Ang taong ito ay nagsusulat lang pag wala na talaga siyang magawa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s