Versuch

Ang mga nakalagay dito ay pawang trip lamang

Nadaan lang ata sa refresh

Leave a comment

Pag punta ko sa page ko, may nakita akong 4 hits. Di ko alam kung talagang may nagbasa ng post ko o nadaan ko lang sa refresh. Natuwa naman akong bahagya kasi may 4 na taong bored sa mundo na nakabasa ng post ko hypothetically. Di ko alam kung totoo silang nagbasa. Kung nagbasa talaga sila, sana magkaroon ng saysay ang pagbabasa nila dito sa page ko kahit wala tong sense. Baka magkaroon ng milagro na may maisulat akong makakapagbago ng mundo kaso di mo nabasa kaya di ka naging part kung paano madiscover yung page ko. Lakas ko talaga mangarap.

Minsan talaga sa buhay, masaya na lang na wag nang alamin ang dahilan kung bakit ka nakakakuha ng kasiyahan. Kunwari sa 4 hits ng page mo, isipin mo na lang na may naligaw at nakapagbasa ng post mo. Wag mo nang isipin na nadaan mo lang siya sa refresh. Halimbawa, naging rebound ka ng crush mo kasi kakabreak lang nila. Enjoyin mo na lang yung natatamo mong atensyon at huwag mo nang isipin na temporary lang ito. Malay mo biglang magbago. Bahala ka.

Well kung may makakabasa na naman dito. Isa ka talagang bayani. Natanggal ba pagkabored mo o naiirita ka lang bat mo to pinuntahan? Sige salamat parin pare!

Advertisements

Author: alingjoy

Ang taong ito ay nagsusulat lang pag wala na talaga siyang magawa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s