Versuch

Ang mga nakalagay dito ay pawang trip lamang

Zone (Click mo to kung gusto mo ng cheesy topic)

Leave a comment

camerashy.jpg*Ang mga mababasa mo pala ay kathang isip lang o may katotohanan. Lahat ng pinagsasabi ko dito ay either totoo o may dagdag o talagang di totoo kaya kung ako sa’yo, wag ka basta basta maniniwala dito kung nagbabasa ka talaga sa page ko. Sana wag kang tamarin magbasa kasi maganda ganda tong post ko. (Joke)

Alam mo bang napatunayan ko na kusang lumalapit ang inspirasyon sa’yo? (First line pa lang ba maniniwala ka na?) Lalapit talaga siya sa’yo sa harap mo pa mismo. Ang gagawin mo nalang ay ifeel mo ang lahat ng positive energy na dadaloy sa’yo. Mararamdaman mo naman yun sa sarili mo eh na yun ay inspirasyon na sa loob mo nakangiti ka. Kusa talaga syang lumalapit pramis irecognize mo lang siyang inspirasyon.

Sa tagal tagal kong naghahanap ng inspirasyon, (motivation nga lang yung kelangan ko nung una eh) eh talaga pa lang di siya hinahanap. Siya ang hahanap sa’yo. (tamad lang) Pero di nga, sa benteng taon ko ng nabubuhay, ibawas mo yung 4 na taon kasi wala pa akong matinong utak hanggang 4 yrs. old ako, palaging lumalapit ang inspirasyon sa akin and same routine lang, inaaccept ko siyang inspiration. Bat ngayon ko lang naisip to’?

So eto na, nalaman mo na siya ay isang inspirasyon, ano na gagawin mo? Simple lang naman eh basta don’t be insecure, wala munang eepal na negative thoughts o what ifs sa utak mo. Wag mo sila papasukin kasi once na lumamang yan, mawawala yung boost of positivity. (Shet!) Yung mga what ifs na yan, iset aside mo muna. (Scumbag overthinker) Please kung you’re in the zone, please please please wag ka muna mag-isip. Please do.

(Dinelete ko yung 1st sentence ko dito) Takte nagoverthink na naman ako. So eto na nga, basta walang eepal na what if o insecurities, okay ka na tsong. Tuloy mo na lang yan. Parang Schrodinger’s cat (Nalaman ko to sa Big Bang theory eh)

*Theory – Naglagay sila ng pusa sa isang steel chamber na may bote na may laman na hydrocyanic acid tas basta pag may nagdecay na single atom, (Basta) may hammer na pupukpok at sisila dun sa bote at mapapatay yung pusa. Hindi malalaman ng observer kung may nasira bang atom o nabasag ba yung bote o kung patay na yung pusa. Sinasabi dito na lahat yun ay pwedeng mangyari sa loob ng chamber.

Ano ang lesson (Sana nagets nyo yung theory) Eto bigay na lang ako ng situation (Gawin nating cheesy) May gusto kang girlie, tas nagbigay ka ng letter secretly. Either matuwa siya, deadma, di nabasa o naasar sayo. Di mo malalaman yung naramdaman ni girle kung di mo siya tatanungin, kung di ka makikichismis dun sa kakunchaba mo o kung di mo siya iistalk sa twitter o facebook o instagram kung nagstatus na may love letter sya.

So be brave to look inside the steel chamber. Lahat naman ay may karampatang pangyayari. Ang satin lang eh wag mo muna isipin ang mangyayari, gawin mo muna bago mo iaccept. (Badtrip no, paikot ikot lang ako?)

 

Advertisements

Author: alingjoy

Ang taong ito ay nagsusulat lang pag wala na talaga siyang magawa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s