Versuch

Ang mga nakalagay dito ay pawang trip lamang

……….. … ………

Leave a comment

fragment.jpgSa mga nakalipas na buwan, puro takot nararamdaman ko sa sarili. Ramdam kong gusto ko na lang tumakas at sana wag na maramdaman yung ganito. Araw-araw na lang kase palagi akong may sakit. Kada linggo may panibago na naman. Naging pangatlong bahay ko na nga yung ospital eh at ayaw ko nang bumalik dun.

Nagsimula to nung wala na akong maramdaman na inspirasyon. Walang dumadaloy sa akin na magpatuloy sa buhay. Wala din akong naiisip na pwede kong tahakin. Basta wala talaga. Wala akong maramdaman na pagmamahal, kasiyahan, o kahit ano. Basta wala.

Dumagdag pa yung mga pangyayaring di ko maintindihan bakit minsan sumasakit ulo ko. Ang hirap tapos di ako makahinga. Ewan ko kung higblood yun pero basta. Nakakabwisit lang pag nagcocommute ako tsaka siya aatake pero buti na lang uwian na. Sabay pa ng konting hilo badtrip talaga. Meron pang isang nangyari nung hinika ako habang nasa byahe, wala akong gamot, wala akong inhaler, wala talaga tas trapik pa. Badtrip! Kala ko malalagutan na ako ng hininga. Natulog na lang ako baka sakaling mawala. Ang hirap din matulog nun kasi di nga ako makahinga. Ewan ko bat nakatulog pa ako nun.

Simula nung nangyari yung mga yan, natakot na ako lumayo layo. Baka kasi biglang atakihin ako ng mga sakit na yan. Dun ako natakot na mabuhay kesa mamatay. Pano naman kasi palagi ko na lang inaalala yung katawan ko kung aatakihin ba ako o hindi. Ni hindi ko na maenjoy yung mga dating ginagawa ko. Gusto ko na lang mamuhay sa sinasabi sa nilang langit na wala ng nararamdaman pang sakit. Ewan ko ba kung bakit ko naisip to’ pero hindi ito suicide note haha.

Mas masakit pala ang pangyayari na nagagawa mo dati pero di mo na nagagawa ngayon kesa sa mga bagay na di mo pa nagagawa kasi alam mo yung pakiramdam na dating normal ka at nagagawa mo ang lahat. Wala kang iniisip na iba kundi mag-enjoy. Ni hindi ko na nga magawang tumakbo ng matagal eh. Nagpatong patong na ni kahit paghahanap ng prospect, wala na rin. Puro saglit na lang. Walang tumatagal di tulad ng dati. Pati mangarap kung ano ang susunod kong gagawin, wala na rin. Sobrang lungkot ko na ata dati.

Naghahanap ako talaga ng inspirasyon para mapatungan tong kalokohan na to’. Pinipilit ko talaga maghanap pero wala pa rin. Kung may tindahan lang na nagbebenta nun eh tiba tiba siguro sila.

Ngayon medyo ok na ako. Sadyang dumadating lang ata yung inspirasyon eh pero mas maganda kung araw-araw. Tsaka mas maganda kung lagi kang may kausap para di ka nakafocus sa mga problema mo. Medyo umok rin nung nasulat ko rin to’. Maghahanap lang talaga ako ng bagay na talagang di ako mabobored at mag-eenjoy ako. Basta kausap at inspirasyon, magiging ok ako 😀

(Old post 2 yrs. ago)

Advertisements

Author: alingjoy

Ang taong ito ay nagsusulat lang pag wala na talaga siyang magawa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s