Versuch

Ang mga nakalagay dito ay pawang trip lamang

IF THERE ARE PLENTY OF FISH IN THE SEA, WHY CAN’T I FIND ANY?

Leave a comment

plenty fish in the sea.jpgTeka nga muna, bakit nga ba ginagamit ang phrase na yan? “There are plenty of fish in the sea”. Ano ba yan, isang pangmotivate, para maging positibo ka sa buhay o sadyang trip lamang ng taong nagsabi nyan? Bakit nga ba tayo lumalangoy sa malawak na dagat at hanapin ang isdang ito?

Hindi mo ba naisip na yung “plenty” na yan sa phrase na yan ay talagang di plenty? Kasi isipin mo hindi lahat ng isda pwedeng hulihin. May mga sobrang bata pa, medyo bata, di nakakain, ikaw yung kakainin at ipinagbabawal na hulihin. Isipin mo na lang sa 10 isda, 2 lang ang pepwedeng hulihin. Yun yung pwede na kainin at pwedeng hulihin.

Minsan ba ay hindi ka na naniniwala sa katagang yan? Kasi sa tagal tagal mo nang sumisisid eh hindi ka pa rin nakakapangbingwit. May mga bagay rin na nakakahuli ka minsan pero pag nahuli mo na, papakawalan mo kasi di naman tilapia nahuli mo. Gaano ka katagal lalangoy at magpapakalunod sa dagat?

Marahil nagtatanong ka kung wala ka talagang makita kasi alam mo namang maraming dagat sa mundo, subukan mo rin lumangoy sa iba. O baka naman takot ka sumisid kaya hindi mo nakikita yung ibang isda. Pwede ring nahanap mo na yung gusto mong isda kaso di mo tinuloy kasi marami rin nagkakainteres na mangingisda sa kanya kasi maganda klase ito. O pwede ring di ka marunong lumangoy o manghuli ng isda kasi takot ka mabasa.

Alam mo sa buhay na ganito, ewan ko ba kung bakit binabasa mo ito pero astig nakaabot ka sa part na to’. Yung tradisyonal na pangingisda naman kase ay talagang ikacast mo yung pamingwit sa dagat at hihintayin mo nang matagal yung isda. Pagandahan at maakitan na lang ng pain para siya mahuli. Di ba ganun naman talaga? So what’s the rush kung alam mo naman na may kakagat sa pain mo basta put out your best bait kase para pansinin ng mga isda.

Advertisements

Author: alingjoy

Ang taong ito ay nagsusulat lang pag wala na talaga siyang magawa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s