Versuch

Ang mga nakalagay dito ay pawang trip lamang

ANG ALAMAT NI ALING RAPUNZEL

Leave a comment

rapunzel-2.jpgAlam mo na kagad na taga COC ka kung alam mo yung “Tindahan ni Aling Rapunzel”. Isang alamat na tindahan sa loob ng COC at nagiging tambayan na rin ng mga gustong mag-ubos ng oras o di kaya sa mga gustong mantrip sa pamamagitan ng pagvavandal. (Contains Mature Content)

Bakit nga ba siya tinawag na tindahan ni Aling Rapunzel? Kwento kwento nung first year kami na may tindahan daw na nakatago sa likod ng COC. Hinanap namin at may nakita kaming tindahan sa may bandang gilid na pinapaligiran ng yero. Isang matandang babae ang nagtitinda dito pero una sa lahat, di Rapunzel ang pangalan niya at lalong di mahabang mahaba buhok niyo. Nabansagan siya ng ganito kasi titingalain mo siya pag bibili ka sa kanya.

image

photo credits: HTTP://BUHAYPIYUPI.TUMBLR.COM/POST/32731433669/ANG-TINDAHAN-NI-ALING-RAPUNZEL-TITINGALAIN-MO-SA

May pamahiin pa nga dito na pag di mo makikita yung paa ni aling Rapunzel, hinding hindi ka gagraduate. Syempre maraming nantitrip na seniors sa’yo kasi first year palang kayo. Pero masaya na rin na may mumunting urban legend sa COC.

PS: Nabigo akong makita yung paa ni Aling Rapunzel pero gagraduate ako! Nawala na ang sumpa! lol.

image

Naging unang tambayan namin ito nung first year. Ang isang hiwaga rin dito ay palaging may upuan dito sa gilid. Ni minsan di siya nawawalan ng upuan. Tatluhan pa nga eh pero mapapansin mo, paiba iba yung upuan kada araw. Sinu kaya yung unang naglalagay neto? Or nung sa batch lang namin to nagaganap. Nauso rin dito ang pagvavandal sa dingding katabi ng tindahan. Walang makakasabi kung sinu yung unang nagsulat? Basta pagdating namin eh maraming ng nakasulat dito. Kadalasan ay puro kalokohan at pantitrip sa kaibigan yung makikita mo dito. Ang paborito pa naming bilhin dito eh yung zesto na 12 pesos ata? Kasi nagyeyelo siya at gagawin mo siya ice candy. Pahirapan lang buksan at kainin kasi minsan walang gunting.

image
image
image

Kami rin ay isa sa mga naglagay ng number sa dingding. Ewan ko ba kung bakit di namin matiis na maglagay. (Di na nya roaming number yan)

image

Syempre sa bawat vandal ay hindi nawawala ang kotse ni batman. Bat ba laging present to sa vandalism? Isa ba siyang universal artwork para sa pagvavandal?

image

Meron ding vandal pati sa walls of aling Rapunzel. Ito yung pinakaunang vandal naming magkakaibigan. Naalala ko number ni Ramon to’ pero nung sumunod na araw eh binura agad ng gf niya haha.

image
image

Lintik lang ang walang ganiti ika nga. Nilagay din yung number ko mga hayup. Originally, yung vandal dyan eh “Change the world, spread the word”. Nung nilagyan ng number ko dash Papa Allen, nagmukha tuloy legit na naghahanap ng ligaya sa katawan yung dating. Nakakaloko lang at talagang may magtetext na lang sa’yo bigla at pare parehas naming nararanasan to. So paunahan nalang sa pagbura ng number kung meron man.

image
image

Nagkaroon rin ng mga bagong vandal sa wall. Karamihan na dito eh puro hugot at kadramahan. Di tulad sa batch namin na puro kababuyan at kahihiyan lang ang makikita. Pabago bago lang yan.

image

Di ko alam kung gaano tatagal ang mga vandal sa dingding. Di ko rin alam kung talagang pinepreserve ng school ito kasi lahat eh may spot talaga sa pagvavandal. So dapat ang COC rin ay meron jk.

Sa pag-alis namin sa COC ay tila parang sumabay din yung tindahan ni Aling Rapunzel. Isang sem din ata siyang di na nakabukas or dahil wala kami halos sa COC nung 4th yr. Sana naman ay di siya magsara para na rin sa mga susunod na henerasyon at panghawakan ang pamihiin kung alam nila.

Isa kang alamat Aling Rapunzel. Ginawa mong makulay ang aming paglalakbay ngayong kolehiyo. Sana bigyan mo rin ang mga susunod.

FUN FACT: May ka kompetisyon si Aling Rapunzel na tindahan. Nasa gilid lang niya at tinatawag na “Tindahan ni Aling Panget”.

(Old post 1 yr. ago)

Advertisements

Author: alingjoy

Ang taong ito ay nagsusulat lang pag wala na talaga siyang magawa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s