Versuch

Ang mga nakalagay dito ay pawang trip lamang


Leave a comment

MAY MAAALALA KA NALANG

NOSTALGIA.jpgSiya si Benjamin. Isa siyang Pusakal. Kalaro siya ni Moy dati. Siya ay naglakbay at iniwan si Moy na mag-isa. Bumalik siya pagkatapos ng 2 buwan at suot parin niya yung collar. Sa huli, naglakbay ulit siya.

1. Wag Na Wag Mong Sasabihin – Kitchie Nadal

2. The Day You Said Goodnight – Hale

3. Start of Something New – High School Musical

4. When You Say Nothing at All – Ronan Keating

5. Ang Huling El Bimbo – Eraserheads

6. Let’s Get Loud – Jennifer Lopez

7. Sway – Pussycat Dolls

8. Way Back Into Love – Hugh Grant and Haley Bennett

9. Eet – Regina Spektor

10. Mata – Mojofly

11. Price tag – Jessie J

12. Wonderful Tonight – Eric Clapton

13. Runaway – The Corrs

14. Summer Song – Silent Sanctuary

15. Leaving On A Jet Plane – Chantal Kreviazuk (Unreleased version)

16. The Man Who Can’t Be Moved – The Script

17. Gangnam Style – Psy

18. Gemini – Spongecola

19. Ikaw Lang Ang Aking Mahal – VST and co

20 Torn – Natalie Imbruglia

21. Lover’s Fire – Franco

22. Everybody Here Wants You – Jeff Buckley

23. There’s a Light that Never Goes Out – The Smiths

24. Sway – Bic Runga

*Ang playlist na yan ay pwedeng madagdagan from time to time. Kasi bawat panahon may theme song. Basta may naaalala ako pag naririnig ko yan.

Advertisements


Leave a comment

UTANG NA LOOB

utang na loob.jpgUy! Kamusta ulit sayo mambabasa.(Kung meron man) Ngayon na lang ulit ako nakapagsulat kasi ewan ko ba. Pag nasa byahe ako lalo na pag nasa gilid ng bintana, andami kong naiisip na pwedeng isulat pero pagdating sa bahay, mas gusto ko na magpahinga at maglaro.

Bakit kaya ang hirap sating maningil ng kaibigan pag may utang sila? Bakit tayo pa nahihiya iapproach sila na ipaalala na “Uy! kelan mo pwedeng bayaran yung utang mo?” (With friendly tone na) Bakit nga ba yung iba deadma lang na parang walang nangyari na gustong palipasin yung pagbibigay mo sa kanila ng mumunting tulong? Mas tumatagal pa nga ang utang kesa sa relasyon eh.

Alam ko namang naranasan na natin lahat to. May darating na kaibigan na mangungutang sa’yo kasi kelangan talaga o talagang magulang lang sa buhay. Eh ikaw naman tong mabait na kaibigan, syempre bibigyan mo kahit papano pag may extra kang pera. May iba’t ibang klase ng mga nangungutang. Mag-aapproach yan sa’yo na parang ambait bait na parang tupa with matching makaawa aura para talagang maramdaman mo ang need niya pero sila naman yung kadalasan pag siningil mo eh sila pa ang galit.Meron ding sobrang todo sa promise na kala mo itataya buhay niya para lang mapautang mo. Sasabihin niya na itataga pa sa bato para lang di makalimutan. Meron ding may date pa kuno na babayaran niya agad kung kelan niya sinabi pero pag dumating na yung araw, parang di mo man lang mahagilap kahit san mo siya hanapin.

Bakit nga ba tayo nahihiya maningil? Unang una kasi kaibigan natin sila na nasa mindset na natin na magbabayad naman siya eh kasi alam naman niya yung utang niya. Pero sila yung isa sa mga bihira magbayad kasi tropa tropa daw. Suklian na lang ng errands para kwits. Pangalawa, alam mo background ng buhay niya. Eto yung minsan mahihiya kang singilin kasi alam mo yung kapasidad niyang magbayad. Mapapaisip ka pa na “Wag ko na kaya yong singilin, kasi dadagdag pa ako sa pinapasan niyang problema.” Ang nakakaloko lang dito ay pag makita mo siyang bumibili bili ng kung ano ano na di naman importante tas ipapakita pa sa’yo na parang walang matandaang utang. “Kala ko ba wala kang pera? Hutaenaka!” Panghuli, nasa sistema na ng katawang mahiya. Human nature na ata talaga na tayo yung nahihiya pag naninigil tayo eh. Siguro para sakin kaya di ako pwede magpapayb six kase maawa at maawa lang ako sa mga nangungutang sakin. Parang baliktad nga diba, dapat sila yung nahihiya na di pa nila naibabalik yung hiniram nila pero nagiging muha eh sila pa yung walang hiya na sobrang dami nilang sinasabi sa’yo pag naniningil ka na tulad ng “Alam mo namang wala akong pera eh, bat ba ang kulit mo?”, “Bat ganyan ka, para ka namang walang awa, kita mong naghihikahos ako ngayon”, at ang pinakamalala “Mukha ka talagang pera ano! Hayan na pera mo, saksak mo sa baga mo!” (With balibag pera then walkout) Sa kadulu duluhan, ikaw pa magmumukhang masama kasi naistorbo mo yung oras nila.

Di naman masama mangutang eh lalo na pag kailangan. Di naman ako madamot. Ang sa akin lang magparamdam naman kayo at konting hiya naman kahit papano. Di naman kasi pinupulot ang pera eh.Kasi di lang naman pera ang hinihingi mo pag nangutang, pati tiwala ng tao. Pero yung mga di nagparamdam, di na kayo makakaulit!

PS: Sobrang daming rants pampatanggal ng stress.

(Old post 1 yr. ago)


Leave a comment

NAMING SMILE THEORY

namingsmile.jpgNaming Smile theory

Eto ay isang theorya na nabuo ko para mabuking ang kaibigan mo kung crush nya talaga yung hinihinala mong crush niya. Isa na naman itong sulatin na hindi makakatulong sa pag-unlad ng literatura ngunit mahilig naman kasi tayo sa mga shit na ganito <3. Pero shit lang.

Simple lang naman ang gagawin mo dito. Ang pinakaeffective na paraan ay yung may pagkahot seat theme ang gagawin mo sa kaibigan mong gusto mong ibuking.

Ang mga kelangan:
1. Mga kaibigan (Mas maganda pag annoying)

2. Kornerin ang kaibigan

3. At mga back-up na tanong (pang verify lang)

So panu nga ba ito ginagawa? Simple lang. Pag nakorner nyo na yung kaibigan nyo at kung may nagiistimulate na na topic tungkol sa kanyang love life, ay pwede mo na gawin ang procedures. Una, kelangan nakatingin lahat ng kaibigan niya sa kanya. Pangalawa, bibigyan mo siya ng challenge na “Kung kaya mong sabihin yung pangalan ng (insert hinalang crush name here) nang hindi ngumingiti, walang malisya dun. Pangatlo, dapat siguro 5 times siya gagawin para lang makasiguro. At panghuli, pagmasdan ang magiging reaksyon niya kung ngingiti, o nagpipigil ngumiti baka mautot na sa kakapigil, o kung magaling sa poker face, o may slight smile. Alam mo naman siguro kung may kiliti siyang nadarama. Pero yung iba magagaling, make sure yung eye contact niya ay nasa nagtatanong o kaya dun sa mga friends niya.

Maganda gawin to kung gusto niyo talaga siyang ibisto so goodluck 😀

(Old post 1 yr. ago)


Leave a comment

TATLONG PARAAN

pake mo.jpgAng buhay ang puno ng norms. Norms na nagbibigay gabay sa atin. Sila ang nagtuturo kung ano ang tama o mali.

Naranasan niyo na bang magkaroon o magkagusto lang sa isang tao? Syempre oo. Eh yung tao na iba ang relihiyon na nagbabawal magkarelasyon sa kapwa di karelihiyon? Pag ganyan ay isang malaking problema. Unang una, di kayo pwedeng maging kayo pag di kayo magkapanig. Pangalawa, iba ang paniniwala niya sa inyo. Pangatlo, di boto sa’yo ang mga magulang niya kasi di ka nga nila karelihiyon pero kung kaya niyong gawin nang patago, ok lang. Naisip ko na  to’ dati kasi may ganoong sitwasyon na akong naranasan. Di mo rin kasi mapupuhukan na magkagusto sa ibang tao kasi isa itong natural phenomena. Mag-isip ka kung ano ang gagawin mo pag nakaencounter ka neto.

May nilatag akong 3 solusyon sa problema na yan. Una, “Magpaconvert ka”. Magbago ka ng relihiyon para lang maging kayo or vice versa na siya ang magpaconvert. Pero mahirap din yan kasi kung alam mong napakaganda ng relihiyon mo at ang ganda ng mga ginagawa niyo sa simbahan, ay mahirap din umalis sa nakasanayan. Malay mo yung nabago mong relihiyon ay nakakasakal, di ka sanay at taliwas talaga sa paniniwala mo. Paano na rin yung buong angkan mo? Ano na lang ang magiging tingin sa’yo? Sasama kaya? Yun ang una kong solusyon. Mahirap pero pwede na pagtiyagaan.

Pangalawa, “Maghanap ka na lang ng iba, iwan mo na siya!” Eto naman yung isa. Pambungad pa lang eh ayaw ko na hahaha. Nakakapanghinayang diba? So papayag ka ba? Hanap na lang na karelihiyon mo at malay momeron kang mahanap. Pero di ba mahirap? Panu kung nagkaroon na kayo ng attachment sa isa’t-isa? Di mas mahirap. Narinig mo na ba yung palaging sinasabi nila? Yung ipagpasa Diyos na lang, siya na daw bahala ng magiging  kabiyak mo sa buhay.

Ikwento ko na rin ang instance na ganyan. Meron sa bibliya na parehas yung phenomena. The story of Samson and Delilah. Papaikliin ko na lang. So si Samson ay naniniwala sa isang Diyos samantalang si Delilah ay isang Ammorita na uri ng paganismo ata? Di yungtatay tutol kay Delilah kasi di nga nila karelihiyon pero di nagpatinag si Samson, nilihawan niya pa rin si Delilah at naging sila. Ang nagyari ay nagtaksil si Delilah kay Samson. Pinutol niya yung mahabang buhok na nagbibigay sa kanya ng lakas at iniwan siya nito. Alam niyo naman siguro yung kwento na yan. Medyo kakaiba nga lang yung kwento na to’ kasi one sided lang ata yung relasyon nila. Si Samson lang yung umibig pero si Delilah di naman ata. Pero yung isang dahilan lang din dito ay mapanlinlang talaga ang kababaihan.

Dito magkakaalaman kung sino ang magsasakripisyo.

At ang panghuli, “Mahal namin ang isa’t isa and just let it be.” So ganito yan. Your religion status will remain the same as your relationship. Di ba maganda? Pero eto na nga, may mga balakid rin yan. Una, di ba kayo maguguluhan sa inyong paniniwala? Pangalawa, panu na lang ang pagwoworship niyo? Pangatlo, anu ang magiging relihiyon ng mga anak niyo? Madami ding problema pero ako may sagot diyan. Tignan mo na lang sa bright side. Kapiling mo mahal mo. Sa tingin ko rin di yung relihiyon ang magliligtas sa’yo kundi yung paniniwala mo siya Diyos. Tutal we’re all worshiping one God iba iba nga lang yung pangalan pwera na lang kung Buddhist, Taoist, Shintoist at iba pang “ist” na yan. Magset kayo ng sched ay pasubukin mo rin sa kanya yung relihiyon mo. Malay mo magustuhan niya tapos happy happy na. Ikaw kung may naiisip ka ring paraan, eh di maganda kasi nag-iisip ka na kahit papano.

*Natatawa akong iretype to. Ang tagal ko ng write-up to. Ang babaw pa ng mga sinusulat ko dati haha.


Leave a comment

SAN AABOT ANG PAGKABENTE MO?

SONY DSC

SONY DSC

Sabi nila pagbente ka na raw, dapat may tatahakin ka na o alam mo na ang dapat mong gawin sa buhay mo pero parang ambilis ng panahon at bente na ako. Wala pa rin akong alam gawin.

Dati nung bata ako, gusto ko lang nun ay maging scientist. Mahilig kasi ako maghalo halo ng mga gamot (mga pampahid lang). Mahilig din ako mag-experiment sa mga insekto kung ano ang mas mabilis pumatay sa kanila kung alkohol, hydrogen peroxide, baygon, langis, efficascent oil, at pulbos. May kanya kanya silang container nun at pagmamasdan ko sila.

Isa pang pangarap ko nun ay yung tinatak ko sa sarili ko na pag bente na ako, milyonaryo na ako at may yate. Ewan ko kung ano naiisip ko nun basta tinatak ko sa sarili ko na dapat mayaman na ako pag bente ako. Di ko alam kung papano pero basta dapat maging milyonaryo ako. (Law of attraction, sana gumana ka please)

Simple lang din yung bahay na gusto ko. Single story lang na bahay na may malawak na bakuran para may pagtatayuan na whole court ng basketball. Mahilig kasi talaga ako maglaro nun.

Ngayon bente na ako. Wala pa rin akong maisip na tatahakin ko pagkagraduate ko. Ni hindi ko alam kung anong trabaho ang kukunin ko. Dapat nga daw may alam na akong panglong lasting na gawain na mag-eenjoy ako. Dapat may naaccomplish na dapat ako kahit papano pag bente na ako. Pero sa nakikinita ko, wala pa eh.

Yung kabataan ba ngayon eh pag umabot na ng bente, alam na rin ba nila ang gagawin nila sa buhay. Naalala ko kasi yung mga kabataan noon pag abot ng bente eh nagsisitrabaho na. Ewan ko ngayon. Kung bente ka na rin. Alam mo na rin ba ang gagawin mo sa buhay?

(Old post 2yrs. ago)