Versuch

Ang mga nakalagay dito ay pawang trip lamang


Leave a comment

“Just take one step back and see the reality.”

GIF.gif“Just take one step back and see the reality.”

Do you think we’re too obsessed with the time? I mean really what’s the rush? Are we up to something infinite? Well in my case time can be worthwhile if you enjoy the circulation of it. I’m too obsessed with the time because I really value every second of it. It is the best gift God have given to us. I really don’t want to idle. I just want to be spontaneous. Even fantasy and reality are the same to me but I’m not so serious as hell, really I just want to live like you’re living a livingful life.

*The word “livingful” is not a word.

(Back in way 2013. My description on our blog Awkweird)

Advertisements


Leave a comment

RUBY SPARKS VS THE WORLD

image

*Yung ibang nakasulat dito ay maaaring nadagdagan o nabawasan. Minsan exaggerated yung iba.

Dati ko pa ito napanaginipan nung panahon na naghahanap kami ng internship ng mga kaklase ko. We were desperate na kahit ano na lang na trabaho basta makakuha kasi kulang na oras namin at pag di pa kami nagstart ngayon, madedelay kami sa pag graduate. Wala namang may gusto non.

First phase ng panaginip

Naghahanap kami ng mga kaibigan ko ng OJT kung saan saan. Nagcome across kami sa lugar ng Centris station (Eto yung may MRT station) at may CNN building. Pumasok kami lahat at gustong gusto ko makuha sa lugar na yun para mag OJT. CNN kasi yun bui parang privilege sa amin mag work dun. Pero sa totoo, ayaw ko talaga sa mga news company kahit dyaryo pero dun sa panaginip, hyped na hyped ako. So lahat kami nag-apply. Kanya kanya kami ng trabaho. Then nung nasa loob na kami, naging parang supermarket ang setting tas nagpakita kami ng skills namin at ang lahat ng kasama ko natanggap. Ramdam ko nasa creatives ako eh kasi parang puro designs ginagawa ko. Then umuwi na kaming magkakahiwalay.

First phase application in real life

Kinabukasan, nagOJT humt na kame ng mga kaklase ko. Sa may Ortigas to Makati kami pupunta. Pare parehas kaming desperado magkaOJT kasi late na kami mag-iistart. Ang nangyare ay napadpad kami sa may Shaw at dun may malapit na CNN bldg. plus may LRT line na parang gusto ko may ganun. (Mamaya na ang dahilan kung bakit) Eto ang signs na katulad sa panaginip ko na baka dito matanggap na kami. So nag-apply kami kung san san baka sakaling may tumawag pero di kami nagpasa sa CNN kasi full slot na doon at may kaklase na kami doon dagdag pa na 1::1 kami sa internship. Hayup na yan. Di parang shattered glass kasi di tugma sa panaginip.

Kinabukasan ulit, umalis kami ng kaklase ko. Nagbakasali kami na magfollow up sa sinend naming resume sa kanila. So pumunta kami dun sa location. Doon may lrt station, may mall at yung feeling na hyped na hyped akong matanggap dito. Pumunta kami and luckily may tao nung araw na yon at nagkaroon ng on the spot interview. On that day, natanggap kami as creatives. At nakakamangha yung signs. First LRT station. Second Mall. Third, feeling na hyped na naramdaman ko sa CNN na gusto ko magtrabaho. Fourth, creatives yung role ko. (Sa Amplify.ph pala to) At panghuli, lahat ng nakasama ko sa OJT hunt, lahat nahire on that span of days.

Second phase of dream

Bakit ba gustong gusto ko may LRT station? Kasi continuation ng dream nung pauwi na ako, pumunta ako ng LRT station. Pagdating ko ang haba ng pila at pagod na pagod na ako. Then suddenly I heard a girl’s voice calling my name. Napatingin ako at yung pagod ko nawala at ako’y natuwa. Medyo vague yung mukha niya pero parang kilala ko siya. She was wearing a gray sleeveless shirt na may dot pattern? with black shorts at nakaponytail siya. At yun pinasingit ko siya sa pila. Bigla siyang nawala nung pasakay na kami so hinanap ko siya pero sumakay na rin ako nung hindi ko siya nakita. Pagsakay ko, parang anluwag ng LRT pero kanina ang haba ng pila. Ramdam ko medyo last trip na yung tren. Hinanap ko siya nung nasa loob na ako pero di ko siya makita. Nang biglang may tumawag sakin at tumingin ako. Andun siya at ngumiti. At yun masaya na naman ang byahe. Nang biglang nagkaroon ng lawa at para makarating sa LRT, lalangoy ka papunta doon. Yung lawa ay may mga reptile creatures na lumalangoy. Sa gilid nung lake, may lupa pero sementeryo. Hindi naman ako natakot at sabay kaming lumangoy at tuwang tuwa kami. Pagpasok namin sa LRT, last stop na. Nadaan kami sa lumang amusement park. Pagbaba ko ay nawala ulit siya. Hinanap ko ulit sa buong park at nakita ko siya sa isang pambatang rollercoaster o tren at nginitian ako nung nakita ko siya. Sumakay at tumabi ako sa kanya. Tinignan niya ako at ngumiti at ganun din ang ginawa ko pero di pa umaandar yung sinasakyan namin. Nagising ako.

Second phase sa katotohanan

Di pa ako sure kung siya nga yun. Pag nakita ko siya ay baka mapa “She’s real” ako tulad ni Scott at Calvin. Literal na dream girl. Nung 4th year ako, madalang akong nakakasabay sa LRT kahit may station doon. Jeep ako pauwi tas bus. Di ko triny kasi mas mapapamahal ako sa pamasahe. Di ko man lang natry kung talagang makakasabay ko siya pauwi.

Mga signs:

1. Sumasakay ng LRT line 2 kasi malapit sa Gilmore office ko noon. And might as well maluwang ang LRT kasi base sa panaginip ko.

2. Nakalangoy sa lawang may mga reptiles at katabing sementeryo, wala paring takot pag kasama siya at masaya.

3. Katabi sa pambatang roller coaster o tren na hindi pa umaandar. Siguro to start a new beginning. (Ang labo)

Baka di ko lang siya napapansin. Siya na pala.

*Pag triny niyo isearch yung mga dream interpretation ng panaginip ko. Kung pessimist ka at nakita mo yung ibang interpretation, malulungkot ka sa sinasabi ng panaginip pero kung medyo positive ka naman, maganda naman kahit papano yung ibang interpretation.

With all the colors

All the flowers and balloons

Your smile is all worth.


Leave a comment

MYSTERY VS. HISTORY

kelan.jpg(Kala mo ang sipag magtrabaho. Nakadual screen pa kala mo pro.)

May misteryo na ba kayong pinanghawakan sa buhay mo? Sa sobrang gusto mo malaman, ginagawa mo ang lahat para lang malaman ang sagot. Bakit ba lagi kitang tinatanong? Ano bang pake mo sakin?

*Ang mga susunod na mababasa mo ay hindi lahat totoo. Malay mo totoo rin pero pano mo malalaman? Bat na naman kita tinatanong?

Isang araw nagkaroon kami ng pass para magcover ng UP Fair Roots 2015. It was a privilege kasi makikita namin yung mga idol naming banda up close and personal. So excited na excited kami ng kasama ko magcover. Ansaya pala pag may pass, dadaan ka sa backstage at hindi na pipila. Ang trabaho namin ay magshoot ng event at humanap ng mga nakaOOTD. So yun bigay ID at nagstart na kami maghanap.

Kami kinakabahan maghanap ng mga tao kasi baka yung standards na hinahanap samin eh baka di umabot sa expectation nila. Tas first time pa namin makihalobilo sa mga ganun na pipicturan sila. Di naman alam kung pano iapproach. So ayun may nakita na kami. 2 silang babae magkasama. Sa tingin namin pwede na sila sa OOTD tas inapproach namin sila. Tapos nagpaalam kami kung pwede sila kunan kasi para lang sa ipapasa namin for the event. Tinanong kami ni ate “Talaga bang photographers kayo?” Branded na nga yung damit, najudge ka pa. Well siguro mukha lang talaga kaming adik haha. Tas yun pinakita namin yung ID at yun naniwala din siya. So ayun pinucturan na namin sila. Ok tapos na yung sa UP fair.

Komiket. Excited din ako pumunta dito kasi puro local artist ang nandito. First time ko pumunta sa ganon kasi puro walang time dati. Tas andun din si idol Manix, Budjette at KaJo. Isa pa dun mahilig talaga ako sa komiks so ayun. Tuwang tuwa ako sa event at inagahan namin kasi may libreng ice cream. So habang naglilibot libot kami, may napansin akong babaeng pumasok. Sabi ko “Namumukhaan ko ata siya ah”. Tas sabi ng kaibigan ko, “San mo nakita yan?” Basta parang pamilyar mukha niya. Tas naalala ko sa UP fair. Paano ko ba naman makakalimutan kasi siya yung kumwestiyon ng pagkatao ko sa event hahaha. Tas sabi ko agad, “Wow coincidence ba to o tadhana?” Badtrip lang. Sabi naman ng kaibigan ko, “Di tadhana yan boy”. So ayun natuwa ako kasi parehas hilig namin. Komiks, UP fair,banda, at arts. Ang cool niya. So hanggang sa pag-uwi naiisip ko yon.

Pag uwi ko sa bahay. Iniisip ko kung subukan ko siya hanapin. Malaman lang pangalan niya. Pero paano ko malalaman eh mukha lang alam ko sa kanya. So gumamit ako ng Science of Deduction (feeling Sherlock) para malaman kung ano pangalan niya. San pa ba ako hahanap, edi sa internet. Ayun 10 mins lang naman ako naghanap sa kanya. Dahil may IG at hashtag, sa dami ng tread na yon, nakita ko rin siya. Nalaman ko pangalan niya at tinignan ko sa FB. Nagulat ako kasi isa pala siya sa mga artist dun sa komiket. Wow talaga. Nalaman ko na rin ang school at mga hilig niya.

Biglang nawala ang misteryong bumabalot sa kanya. Mas nalula ako kasi parang antaas niya. Out of my league talaga. Ngayon na nalaman ko na, so wala na, boring na ulit. Kahanga hanga siyang nilalang basta nakakalula.

Isa nalang talaga ang magagawa natin ngayon. Lahat ay open na sa mundo. Mabilis ka na makakakuha ng impormasyon kung saan saan. Now your job is to be a mystery to others. That is the only thing that is left.


Leave a comment

BAKIT MINSAN ANTAGAL NG ARAW?

Frames.jpg*Bakit ba may slo-mo pag andiyan ka? Tumitigil ang mundo ko pag nakita kita. Eto yung mga linya lagi sa mga pelikula at hindi sakin nanggaling yan. Naranasan mo naman na siguro yan kahit papano.

(Paopening opening statement pa, kala mo naman may nagbabasa)

Napapansin mo ba minsan may mga araw ambilis ng oras? Yung malalaman mo na Friday na agad, na lumipas na isang linggo, tapos na pala ang isang buwan. Eto naman sobrang bilis. May mga kapaliwanagan dyan.

Alam niyo ba ang frames sa video editing? Kung nag-eedit kayo ng video kahit sa anong software, siguro may background ka na sa frames. Kung nung bata ka nagdadrawing ka sa notebook mo kahit mga stick figures tas ginagawa mo kada page may certain animation, yung page dun ay yung frame. So kung iisipin niyo, lagi siyang ginagamit sa animation at sinasabi na napakatrabaho nun.

Ano naman konek ng frames sa pagbilis ng araw at yung pagbagal ng panahon? Ayon kay TED-Ed (search niyo sa Youtube), ang certain animation ay nadidistinguish kung gaano karami ang frame. Malalaman mo kung gaano siya kabilis o kabagal.

*Kailangan ng malawak na imahinasyon sa mga susunod na mangyayari

a) |     |     |     |     |     |     |     |     |     |

b) ||||||     |     |     |     |     |     ||||||||||||||

Sa dalawang halimbawa, san yung may mas mabilis na pangyayari? Kung titignyan niyo, mas mabagal ang nasa letter b. Bakit? Kasi ibig sabihin kada limang segundo may 5 frames ka na at sinasabi niyang may limang event na agad dun. Kung ikukumpara niyo sa letter a, sa limang segundo 1 frame palang pinapakita, ibig sabihin mabilis siya kasi 1 event pa lang pinapakita dun. Ang prinsipyo sa framing dito ay (More frames = Slower video | Less frames = Faster video)

Bakit may mga araw na sobrang bilis? Kasi sa araw na yun, konti lang nangyari sa’yo. Halimbawa pag nagtatrabaho ka, parang ambilis lang ng linggo kasi ano ba ginagawa mo sa isang linggo, gising ng umaga, commute papunta, trabaho, kain, trabaho, uwi, commute, pahinga, tulog and repeat. Di ba ang konti lang at sobrang monotonous? Kaya pakiramdam mo ambilis ng panahon.

Bakit naman parang nag-iislow mo pag kasama mo siya or heartbroken ka? Kapag ibebreak down mo yung pangyayari eh halos 2-3 events lang yun. Tinignan mo siya. Nakita ka niya. Natuwa ka or sawi ka. Bumabagal siya dahil sa mga frames na hindi natin nakikita na may nasisingit kada main event. Ibebreak down natin ulit. Tinignan mo siya. Sa loob mo natuwa ka. Inspired ka ng bahagya. Tumingin siya. Nakita mong tumingin siya. Natuwa ka. Nagbago heartbeat mo. Yung pulse rate mo di mo malaman. Gumanda pakiramdam mo. Lalo kang nainspired. Kinilig ka na. Ilang event na yun? Di ba ang dami? Sobrang dami nating naramdaman sa saglit na pangyayari kaya minsan nararamdaman nating ambagal ng oras.

Bakit naman kunwari pag nauna tayo sa meeting place at wala pa yung mga hinayupak na kaibigan mo na masasabi mo ang bagal ng oras? Eh sobrang konting event lang naman ang nandun. Nauna ka. Umupo ka. Naghintay ka. Bakit humahaba? Ibreakdown natin ulit. Nauna ka. Napansin mong wala pa sila. Naasar ka agad. Umupo ka. Oorder ka sa resto kasi ampangit tumambay lang at nagmumukha kang tanga. Kakain ka. Titignan yung oras. Tetext mo sila kung nasan na. Naghahanap ka ng pwedeng gawin. Titignan mo yung oras. Tetext mo ulit sila. Imamaintain mo yung milktea mo sa mahabang oras. Tignan mo ulit yung oras. Itetext mo ulit sila. Maghahantay ka ulit. Ilang event na ba yun? Di ba ang rami? Di mo lang napapansin. Kaya nararamdaman mo na mabagal ang oras.

Ngayon alam mo na kung bakit mabagal o mabilis ang oras.


Leave a comment

BAKIT BA BAWAL MADALIIN?

Mismo.jpg(Kuha ni Michael Reyes nilagyan ko lang ng filter)

*Eto yung first coverage namin sa UP fair. Salamat Amplify.ph 🙂

Babala asawa ni… Ang lahat ng nakasulat dito ay bahagyang kasinungalingan. Bahala ka nalang kung ikaw ay maniniwala o magpapaloko.

“Masarap umibig. Masarap ang inspirasyon. Huwag lang minamadali. Lahat ng bagay nasa tamang panahon.” – Lola Nidora

*Walang basagan ng trip. Maganda kasi talaga ang sinabi ni lola. Parang di kayo nanonood ng Eat Bulaga.

Bakit kaya hindi siya pwedeng madaliin? Bakit ba tayo kelangan mahirapan? Bakit ba tinatanong kita?

Andami sa panahon natin ngayon ay puro madadali na. Fast food, Social media, cellphones, buhay ng tao, relasyon, atbp. pwera nalang sa kotse. Palagi kasing traffic walang hiya!

Naalala niyo pa ba dati yung mga liham, libro, library, camerang defilm, photo album, mga picture frame, harana, karoling, pamamanhikan at paglalaro sa labas? Napansin niyo bang wala halos gadget? Walang internet? Lahat ay talagang mahihirapan ka muna bago mo makuha yung gusto mo. Tulad na lang ng film. Ilang linggo mo pa yang aantayin para lang makita mo yung picture mo nung nagbirthday ka. Ang mga subject pa sa picture ay buong pamiliya. Hindi yung cake, regalo, kamay o paa. Talaga kasing pinapahalagahan ang film noon. Every shot counts.

Diba ang sarap pag ikaw talaga mismo ang gumagawa. Nandoon ang oras at panahon mo para lang sa kaligayahang gusto mo at ibibigay mo. Mas rewarding kaya ang pagsulat ng liham at ipadala eto sa ❤ mo kesa sa text o social media. Sobrang usual na kasi yan sa panahon ngayon. Pag nakatanggap ka ng sulat, palagi nalang tubig, Meralco o credit cards na tinataguan mo. Sobrang dali na kasi ng komunikasyon sa atin

Bakit hindi mo gawing espesyal lahat ng ginagawa mo. Instead na sa IG mo ilagay yan, bakit hindi ka gumawa ng photo album ulit ng may mahawakan ka ulit na litrato. Ang pangit lang kasi sa bisita pag dumalaw, yung ipapakita mong album galing sa Social media. Iba parin ang nahahawakan.

Dati rati kung paano manligaw ang mga lalaki sa babae ay sobra sobra ang ipapakita mong determinasyon para lang mapatunayan mong talagang ❤ mo yung anak nila. May igib, sibak ng kahoy, harana, at pamamanhikan. Bakit ba nawala na yan sa tradisyon? Dahil ba wala nang puno kaya wala nang sisibakin? Di na pwede mag-igib kasi may nawasa na? Bakit wala nang harana kasi may soundcloud na? Sa Bibliya nga si Jacob pitong taong nagsilbi para lang makuha si Rachel. Yung pag-iibigan nga ni Paris at Helen nagsimula pa ng gera. Paano mo nalang ipapakita yung determinasyon mo sa kakatext mo? Walang kahirap hirap.

Mas maligaya ang mararamdaman mo pag nahirapan ka. Ramdam mo ang bawat pasakit mo para lang makuha ang gusto mo. Para kang nakasagot ng problem sa Physics na sinamahan ng Calculus. Kaya pwede, wag kang magmadali.

*Sobrang babaw. Wag mo nang pansinin. Hindi ko ito sinulat pero bat ipopost ko pa rin. Pero hindi ko ito sinulat. Gabi na kase.


Leave a comment

HALAMANIZATION

Bat.jpg(Nagtatry ako gumawa ng film entitled Malay Mo pero di ko masimulan kasi…)

*Ang mga nakasulat dito ay pawang kathang isip lamang. Wag agad maniwala.

From the root word “halaman”. ‘Yan ay ang pag-convert ng sarili mo para ikaw ay maging halaman: nilalang na walang feelings, walang emosyon at walang kalibog-libog sa katawan. Magcoconcentrate ka sa non-love aspects of life.

-Ramon Bautista

Ang halaman ay isang living thing na nangangailangan ng araw, tubig, at oxygen para mabuhay. Mag-isa siyang gumagawa ng pagkain niya sa araw-araw at lumalaki siya ng kusa. May pakiramdam ba sila?

Pwede ka rin kayang maging halaman. Walang feelings at nakafocus lang sa mga non-love aspects of life gaya ng pera, trabaho, pagkain, bahay, atbp. Mapapansin mo sila ang may pag-asang yumaman kasi driven sila magtrabaho. Talagang sa pag-iimprove lang ng sarili sila nakatuon. Sila rin yung mga successful sa life (Yung iba) pero mag-isa.

Paano ba nagiging halaman ang isang tao? Baka kailangan magsikap kasi napakahirap ngayon kumita ng pera. Baka naman sila yung gusto munang maging stable kaya nagpapayaman. O yung gusto lang talaga nila yumaman. Meron ding kakagalling lang sa relasyon o kahit yung failed na love interest. Sinusumpa niya ang bawat makita niyang magkarelasyon na maghihiwalay din sila at sa bawat lalapit na pwedeng prospect ay iniiwasan muna kase natuto na. O sila yung deny nang deny na may nararamdaman sila pero ayaw ilabas. Ayaw kase maalaska. Sa kakaiwas mo, magiging halaman ka din.

Alam mo masaya rin kayang maging halaman. Meron kang time para sa sarili mo. Pwede kang magtravel o kumilala ng iba’t ibang tao. Mag-aral ng bagong instrument. O maghanap ng bagong hobby. Pwede mo rin ubusin ang lahat ng pera mo para sa mga luho mo. Pwede ka rin magpakafit para pag tapos ka na sa halamanization, may asset ka na agad.

May mga instance rin na napapatanong ka sa sarili. May dumarating na tao sa’yo. Halos lahat ata ng standards mo nakuha. May mga signs na nga na pwede mo ituloy pero bakit wala ka pa ring nararamdaman? Walang sparks sa inyong dalawa? Halaman ka pa rin kaya? Bakit ganun? Napakasakit. (Takteng linyahan to’) Sa tagal tagal mong hinintay na magkaroon ng isang <3. Bakit ngayon pa? Siguro eto pa yung residue ng pagiging halaman mo o kaya di mo lang alam na may nadedevelop ka ng halaman syndrome na sarili mo lang ang kaya makagamot o baka naman talaga hindi pa siya ang “The One”. Alam mo ba ang dahilan kung bakit ganito? Bakit ba kita tinatanong?

Pero malungkot din pala maging halaman no? Successful ka nga pero mag-isa ka. Minsan nasasanay na yung katawan mong wala nang maramdaman kasi namaster mo na ang ways to halamanization at hindi mo na kayang iunhalamanize. Ikaw halaman ka ba?