Versuch

Ang mga nakalagay dito ay pawang trip lamang


Leave a comment

Ang Liwanag ay Tila Nandyan

liwanag.jpgAng liwanag ay tila nandyan.

Sa araw araw na ginawa ng Diyos

Sa hirap pumasok sa eskwelahan

Nandyan pa rin si kuya

Para magluto ng hotdog

Sa tuwing ako’y nagugutom

Sisindihan lang nya yung kalan

Papainitin ang mantika

At ipiprito na ang hotdog

Yung liwanag tila nandyan

Lahat ng bumibili ay nakakatanggap ng saya

Lahat ay natutuwa sa lasa

Pero tila ba nandyan ba talaga ang liwanag?

Sa tagal tagal ng panahon

Makikita mo pa ba magluluto ng hotdog si kuya?

O habang buhay na lang siyang magluluto ng hotdog?

Tila ito ay isang maliit na liwanag para sa araw araw

Kelangan natin ng liwanag talaga

Yung itatawid tayo para makita ang lahat

Kung andyan na yung liwanag sa’yo

Wag mo na pakawalan please!

*Hanapin ang liwanag natin at wag matakot ipaglaban ang liwanag ng nasa sa atin 😀

(Old post 3yrs. ago)

Advertisements