Versuch

Ang mga nakalagay dito ay pawang trip lamang


Leave a comment

MYSTERY VS. HISTORY

kelan.jpg(Kala mo ang sipag magtrabaho. Nakadual screen pa kala mo pro.)

May misteryo na ba kayong pinanghawakan sa buhay mo? Sa sobrang gusto mo malaman, ginagawa mo ang lahat para lang malaman ang sagot. Bakit ba lagi kitang tinatanong? Ano bang pake mo sakin?

*Ang mga susunod na mababasa mo ay hindi lahat totoo. Malay mo totoo rin pero pano mo malalaman? Bat na naman kita tinatanong?

Isang araw nagkaroon kami ng pass para magcover ng UP Fair Roots 2015. It was a privilege kasi makikita namin yung mga idol naming banda up close and personal. So excited na excited kami ng kasama ko magcover. Ansaya pala pag may pass, dadaan ka sa backstage at hindi na pipila. Ang trabaho namin ay magshoot ng event at humanap ng mga nakaOOTD. So yun bigay ID at nagstart na kami maghanap.

Kami kinakabahan maghanap ng mga tao kasi baka yung standards na hinahanap samin eh baka di umabot sa expectation nila. Tas first time pa namin makihalobilo sa mga ganun na pipicturan sila. Di naman alam kung pano iapproach. So ayun may nakita na kami. 2 silang babae magkasama. Sa tingin namin pwede na sila sa OOTD tas inapproach namin sila. Tapos nagpaalam kami kung pwede sila kunan kasi para lang sa ipapasa namin for the event. Tinanong kami ni ate “Talaga bang photographers kayo?” Branded na nga yung damit, najudge ka pa. Well siguro mukha lang talaga kaming adik haha. Tas yun pinakita namin yung ID at yun naniwala din siya. So ayun pinucturan na namin sila. Ok tapos na yung sa UP fair.

Komiket. Excited din ako pumunta dito kasi puro local artist ang nandito. First time ko pumunta sa ganon kasi puro walang time dati. Tas andun din si idol Manix, Budjette at KaJo. Isa pa dun mahilig talaga ako sa komiks so ayun. Tuwang tuwa ako sa event at inagahan namin kasi may libreng ice cream. So habang naglilibot libot kami, may napansin akong babaeng pumasok. Sabi ko “Namumukhaan ko ata siya ah”. Tas sabi ng kaibigan ko, “San mo nakita yan?” Basta parang pamilyar mukha niya. Tas naalala ko sa UP fair. Paano ko ba naman makakalimutan kasi siya yung kumwestiyon ng pagkatao ko sa event hahaha. Tas sabi ko agad, “Wow coincidence ba to o tadhana?” Badtrip lang. Sabi naman ng kaibigan ko, “Di tadhana yan boy”. So ayun natuwa ako kasi parehas hilig namin. Komiks, UP fair,banda, at arts. Ang cool niya. So hanggang sa pag-uwi naiisip ko yon.

Pag uwi ko sa bahay. Iniisip ko kung subukan ko siya hanapin. Malaman lang pangalan niya. Pero paano ko malalaman eh mukha lang alam ko sa kanya. So gumamit ako ng Science of Deduction (feeling Sherlock) para malaman kung ano pangalan niya. San pa ba ako hahanap, edi sa internet. Ayun 10 mins lang naman ako naghanap sa kanya. Dahil may IG at hashtag, sa dami ng tread na yon, nakita ko rin siya. Nalaman ko pangalan niya at tinignan ko sa FB. Nagulat ako kasi isa pala siya sa mga artist dun sa komiket. Wow talaga. Nalaman ko na rin ang school at mga hilig niya.

Biglang nawala ang misteryong bumabalot sa kanya. Mas nalula ako kasi parang antaas niya. Out of my league talaga. Ngayon na nalaman ko na, so wala na, boring na ulit. Kahanga hanga siyang nilalang basta nakakalula.

Isa nalang talaga ang magagawa natin ngayon. Lahat ay open na sa mundo. Mabilis ka na makakakuha ng impormasyon kung saan saan. Now your job is to be a mystery to others. That is the only thing that is left.

Advertisements


Leave a comment

BAKIT BA BAWAL MADALIIN?

Mismo.jpg(Kuha ni Michael Reyes nilagyan ko lang ng filter)

*Eto yung first coverage namin sa UP fair. Salamat Amplify.ph 🙂

Babala asawa ni… Ang lahat ng nakasulat dito ay bahagyang kasinungalingan. Bahala ka nalang kung ikaw ay maniniwala o magpapaloko.

“Masarap umibig. Masarap ang inspirasyon. Huwag lang minamadali. Lahat ng bagay nasa tamang panahon.” – Lola Nidora

*Walang basagan ng trip. Maganda kasi talaga ang sinabi ni lola. Parang di kayo nanonood ng Eat Bulaga.

Bakit kaya hindi siya pwedeng madaliin? Bakit ba tayo kelangan mahirapan? Bakit ba tinatanong kita?

Andami sa panahon natin ngayon ay puro madadali na. Fast food, Social media, cellphones, buhay ng tao, relasyon, atbp. pwera nalang sa kotse. Palagi kasing traffic walang hiya!

Naalala niyo pa ba dati yung mga liham, libro, library, camerang defilm, photo album, mga picture frame, harana, karoling, pamamanhikan at paglalaro sa labas? Napansin niyo bang wala halos gadget? Walang internet? Lahat ay talagang mahihirapan ka muna bago mo makuha yung gusto mo. Tulad na lang ng film. Ilang linggo mo pa yang aantayin para lang makita mo yung picture mo nung nagbirthday ka. Ang mga subject pa sa picture ay buong pamiliya. Hindi yung cake, regalo, kamay o paa. Talaga kasing pinapahalagahan ang film noon. Every shot counts.

Diba ang sarap pag ikaw talaga mismo ang gumagawa. Nandoon ang oras at panahon mo para lang sa kaligayahang gusto mo at ibibigay mo. Mas rewarding kaya ang pagsulat ng liham at ipadala eto sa ❤ mo kesa sa text o social media. Sobrang usual na kasi yan sa panahon ngayon. Pag nakatanggap ka ng sulat, palagi nalang tubig, Meralco o credit cards na tinataguan mo. Sobrang dali na kasi ng komunikasyon sa atin

Bakit hindi mo gawing espesyal lahat ng ginagawa mo. Instead na sa IG mo ilagay yan, bakit hindi ka gumawa ng photo album ulit ng may mahawakan ka ulit na litrato. Ang pangit lang kasi sa bisita pag dumalaw, yung ipapakita mong album galing sa Social media. Iba parin ang nahahawakan.

Dati rati kung paano manligaw ang mga lalaki sa babae ay sobra sobra ang ipapakita mong determinasyon para lang mapatunayan mong talagang ❤ mo yung anak nila. May igib, sibak ng kahoy, harana, at pamamanhikan. Bakit ba nawala na yan sa tradisyon? Dahil ba wala nang puno kaya wala nang sisibakin? Di na pwede mag-igib kasi may nawasa na? Bakit wala nang harana kasi may soundcloud na? Sa Bibliya nga si Jacob pitong taong nagsilbi para lang makuha si Rachel. Yung pag-iibigan nga ni Paris at Helen nagsimula pa ng gera. Paano mo nalang ipapakita yung determinasyon mo sa kakatext mo? Walang kahirap hirap.

Mas maligaya ang mararamdaman mo pag nahirapan ka. Ramdam mo ang bawat pasakit mo para lang makuha ang gusto mo. Para kang nakasagot ng problem sa Physics na sinamahan ng Calculus. Kaya pwede, wag kang magmadali.

*Sobrang babaw. Wag mo nang pansinin. Hindi ko ito sinulat pero bat ipopost ko pa rin. Pero hindi ko ito sinulat. Gabi na kase.


Leave a comment

HALO-HALO

halo-halo-pictures-8.jpg

Unang una, di sakin yung photo na yan. Nakita ko lang sa net. Nilagyan ko lang ng text.

*Ang mababasa mo dito ay pawang mga naiisip ko lang. Lahat dito ay galing lang sa obserbasyon ko. Walang halong galit at inis ang post na ito.

First time ko ginawa to. Nagwawarm-up magsulat gaya nito. Tuloy tuloy ako nagsusulat ngayon para paganahin ang utak ko. Di ako nagbubura basta tuloy tuloy lang. Halos lahat naman ata ng bagay eh kelangan ng warm-up. So eto nagwawarm-up nga ako. Di ko iisipin yung grammar ko. Di ko iisipin kung may wrong spelling. Basta tuloy tuloy lang ako magsulat.

Una, bakit yung mga tao ngayon eh lahat na lang ng pwedeng ipost sa social media ipopost. Kagaya na lang ng pagkain nila kaninang tanghali tas lalagyan mo pa ng art yan para magmukhang maganda. (Nagawa ko rin to dati pero tinigil ko kagad)Alam mo naman kung ano yung significant ipost na pagkaen sa hindi diba? At wala naman talaga akong pake sa kinakain mo. Pati na rin yung sugat mo nanakuha mo kanina nung nadapa ka. Gagaling ba sugat mo sa kapopost na yan? Yung bibidyuhan pa yung sarili na umiiyak para lang ipaalam na broken hearted ka with matching background sound pa na senti song. O kaya bat may mga tao na magpopost ng sandamakmak nilang selfies eh pare parehas lang naman itsura nila don. 100 photos, 1 album, 1 lugar, at puro ikaw. Minsan kasi di mo malaman kung bakit ka naasar sa selfies nila ng walang dahilan. Wala tayong magagawa. May kalayaan tayo magpost ng kahit ano.

Pangalawa, maraming nagiging critic at analyst agad pagkatapos makanood ng laban ni Pacquiao o yung isyu sa Pork Barrel sa TV o kaya makita lang nila sa newsfeed nila yung balita. Mag-iistatus pa yang mga yan. Kala mo alam na nila lahat kung bakit to natalo, kung bakit di tumama suntok niya, kung san galing yung pork barrel. Yung mga ganyan. Anu yan para mag generate ng likes sa’yo o higit pa kung gusto mo mapansin ka. Ang mahirap nga lang kasi dito, yung iba mali mali na. Parang pinapalandakan mong ganun ang nangyari at alam mo ang lahat. May mga ganyang tao. Ewan ko sa inyo!

Pangatlo, maraming biglang nausong gupit. Mga hairstyle na sa tingin mo maganda. Meron yung undercut, yun ba yung tawag sa gupit ni Bamboo? It’s either you look good o buwakinang inang taena ka. Minsan kasi wag makiuso kung di bagay. Basta natatawa lang ako. Pero choice mo yan. Kaw naman magdadala niyan eh.

Pang apat, bat may ibang tao nagsusuot ng salamin kahit walang grado. Minsan pa nga wala talagang salamin eh frame lang. Wala eh fashion daw. Yung iba ang hilig magjacket kahit alam nila sobrang init sa anit yung init dito sa Pinas! Daig mo pa action star ah. Ayoko namagsulat tungkol sa fashion, wala naman akong alam dyan eh. Sariling trip nila magsuot ng kung ano ano edi bahala sila.

Panglima, anung connect ng quote sa DP mo? Meron kasi iba, maglalagay ng napakahabang quote tas may explanation pa yan pero nakapose ka lang naman. Yung iba kasi nagcocopy paste lang tas icacaption sa DP para magmukhang matalino. Takte observation ko lang naman to.

Pang anim, yung mga pelikula ngayon lalo na mainstream eh tungkol sa mga kabet kabet  o kaya teenage pag-ibig na yung storyline naman eh basta. Ewan ko kung bakit laging pumapatok yung mga ganun. Marami namang indie film sa Pinas na talagang magaganda, bat kaya di nila pansinin yun. Mas may sense naman yun kesa sa panget na bigla kang magkakalove life. (Di ko sinasadyang bitawan ang linyang yan) Pati yung mga teleserye, di talaga nawawala yung ampon, tas nahiwalay, napunta sa mahirap na pamilya tas makikilala niya yung mayaman nyang pamilya tas yayaman, maghihiganti, magkakapatayan, may kidnapan sa huli, may mamamatay, magkakatuluyan pa rin sa huli yung kaloveteam niya. Bat kaya bumebenta pa rin yun? Di ba sila nagsasawa?

Pangpito, bat inaabangan natin yung balita kung walang pasok bukas pag may bagyo? Para bang ang saya saya natin pag suspended. Pero yung gusto mo lang naman talaga eh masuspend yung klase at walang maapektuhang pamilya dahil sa bagyo. Ang hirap manalig kung san ka lulugar. Sa suspended o wala na lang talaga dapat yung bagyo.

Panghuli, tanong ko lang naman to eh. Sa tingin mo rarami tayo kapag di kinain ni Adan at Eba yung sinumpang prutas? Kasi di ba di nila maiisip yun dahil wala naman silang malisya sa isa’t isa. Puro mabuti lang ang isip nila. O baka pag nalungkot sila, baka maisip nila magsiping o baka naman pag di nila naisip yun tas malungkot sila, gagawa ang Diyos ng dagdag na tao para maging masaya sila. Naisip ko lang.

*Napansin mo bang halos negative lahat ng observations? Yun kase ang madalas mapansin. Yung mga negatibo. Parang sa dyaryo lang, halos lahat ng balita negatibo. Di nabubuhay ang media sa puro good news lang. Matakaw sa mga negatibo ang mga tao pagdating sa balita.

(Old post 2yrs. ago)