Versuch

Ang mga nakalagay dito ay pawang trip lamang


Leave a comment

“Just take one step back and see the reality.”

GIF.gif“Just take one step back and see the reality.”

Do you think we’re too obsessed with the time? I mean really what’s the rush? Are we up to something infinite? Well in my case time can be worthwhile if you enjoy the circulation of it. I’m too obsessed with the time because I really value every second of it. It is the best gift God have given to us. I really don’t want to idle. I just want to be spontaneous. Even fantasy and reality are the same to me but I’m not so serious as hell, really I just want to live like you’re living a livingful life.

*The word “livingful” is not a word.

(Back in way 2013. My description on our blog Awkweird)


Leave a comment

MYSTERY VS. HISTORY

kelan.jpg(Kala mo ang sipag magtrabaho. Nakadual screen pa kala mo pro.)

May misteryo na ba kayong pinanghawakan sa buhay mo? Sa sobrang gusto mo malaman, ginagawa mo ang lahat para lang malaman ang sagot. Bakit ba lagi kitang tinatanong? Ano bang pake mo sakin?

*Ang mga susunod na mababasa mo ay hindi lahat totoo. Malay mo totoo rin pero pano mo malalaman? Bat na naman kita tinatanong?

Isang araw nagkaroon kami ng pass para magcover ng UP Fair Roots 2015. It was a privilege kasi makikita namin yung mga idol naming banda up close and personal. So excited na excited kami ng kasama ko magcover. Ansaya pala pag may pass, dadaan ka sa backstage at hindi na pipila. Ang trabaho namin ay magshoot ng event at humanap ng mga nakaOOTD. So yun bigay ID at nagstart na kami maghanap.

Kami kinakabahan maghanap ng mga tao kasi baka yung standards na hinahanap samin eh baka di umabot sa expectation nila. Tas first time pa namin makihalobilo sa mga ganun na pipicturan sila. Di naman alam kung pano iapproach. So ayun may nakita na kami. 2 silang babae magkasama. Sa tingin namin pwede na sila sa OOTD tas inapproach namin sila. Tapos nagpaalam kami kung pwede sila kunan kasi para lang sa ipapasa namin for the event. Tinanong kami ni ate “Talaga bang photographers kayo?” Branded na nga yung damit, najudge ka pa. Well siguro mukha lang talaga kaming adik haha. Tas yun pinakita namin yung ID at yun naniwala din siya. So ayun pinucturan na namin sila. Ok tapos na yung sa UP fair.

Komiket. Excited din ako pumunta dito kasi puro local artist ang nandito. First time ko pumunta sa ganon kasi puro walang time dati. Tas andun din si idol Manix, Budjette at KaJo. Isa pa dun mahilig talaga ako sa komiks so ayun. Tuwang tuwa ako sa event at inagahan namin kasi may libreng ice cream. So habang naglilibot libot kami, may napansin akong babaeng pumasok. Sabi ko “Namumukhaan ko ata siya ah”. Tas sabi ng kaibigan ko, “San mo nakita yan?” Basta parang pamilyar mukha niya. Tas naalala ko sa UP fair. Paano ko ba naman makakalimutan kasi siya yung kumwestiyon ng pagkatao ko sa event hahaha. Tas sabi ko agad, “Wow coincidence ba to o tadhana?” Badtrip lang. Sabi naman ng kaibigan ko, “Di tadhana yan boy”. So ayun natuwa ako kasi parehas hilig namin. Komiks, UP fair,banda, at arts. Ang cool niya. So hanggang sa pag-uwi naiisip ko yon.

Pag uwi ko sa bahay. Iniisip ko kung subukan ko siya hanapin. Malaman lang pangalan niya. Pero paano ko malalaman eh mukha lang alam ko sa kanya. So gumamit ako ng Science of Deduction (feeling Sherlock) para malaman kung ano pangalan niya. San pa ba ako hahanap, edi sa internet. Ayun 10 mins lang naman ako naghanap sa kanya. Dahil may IG at hashtag, sa dami ng tread na yon, nakita ko rin siya. Nalaman ko pangalan niya at tinignan ko sa FB. Nagulat ako kasi isa pala siya sa mga artist dun sa komiket. Wow talaga. Nalaman ko na rin ang school at mga hilig niya.

Biglang nawala ang misteryong bumabalot sa kanya. Mas nalula ako kasi parang antaas niya. Out of my league talaga. Ngayon na nalaman ko na, so wala na, boring na ulit. Kahanga hanga siyang nilalang basta nakakalula.

Isa nalang talaga ang magagawa natin ngayon. Lahat ay open na sa mundo. Mabilis ka na makakakuha ng impormasyon kung saan saan. Now your job is to be a mystery to others. That is the only thing that is left.


Leave a comment

BAKIT MINSAN ANTAGAL NG ARAW?

Frames.jpg*Bakit ba may slo-mo pag andiyan ka? Tumitigil ang mundo ko pag nakita kita. Eto yung mga linya lagi sa mga pelikula at hindi sakin nanggaling yan. Naranasan mo naman na siguro yan kahit papano.

(Paopening opening statement pa, kala mo naman may nagbabasa)

Napapansin mo ba minsan may mga araw ambilis ng oras? Yung malalaman mo na Friday na agad, na lumipas na isang linggo, tapos na pala ang isang buwan. Eto naman sobrang bilis. May mga kapaliwanagan dyan.

Alam niyo ba ang frames sa video editing? Kung nag-eedit kayo ng video kahit sa anong software, siguro may background ka na sa frames. Kung nung bata ka nagdadrawing ka sa notebook mo kahit mga stick figures tas ginagawa mo kada page may certain animation, yung page dun ay yung frame. So kung iisipin niyo, lagi siyang ginagamit sa animation at sinasabi na napakatrabaho nun.

Ano naman konek ng frames sa pagbilis ng araw at yung pagbagal ng panahon? Ayon kay TED-Ed (search niyo sa Youtube), ang certain animation ay nadidistinguish kung gaano karami ang frame. Malalaman mo kung gaano siya kabilis o kabagal.

*Kailangan ng malawak na imahinasyon sa mga susunod na mangyayari

a) |     |     |     |     |     |     |     |     |     |

b) ||||||     |     |     |     |     |     ||||||||||||||

Sa dalawang halimbawa, san yung may mas mabilis na pangyayari? Kung titignyan niyo, mas mabagal ang nasa letter b. Bakit? Kasi ibig sabihin kada limang segundo may 5 frames ka na at sinasabi niyang may limang event na agad dun. Kung ikukumpara niyo sa letter a, sa limang segundo 1 frame palang pinapakita, ibig sabihin mabilis siya kasi 1 event pa lang pinapakita dun. Ang prinsipyo sa framing dito ay (More frames = Slower video | Less frames = Faster video)

Bakit may mga araw na sobrang bilis? Kasi sa araw na yun, konti lang nangyari sa’yo. Halimbawa pag nagtatrabaho ka, parang ambilis lang ng linggo kasi ano ba ginagawa mo sa isang linggo, gising ng umaga, commute papunta, trabaho, kain, trabaho, uwi, commute, pahinga, tulog and repeat. Di ba ang konti lang at sobrang monotonous? Kaya pakiramdam mo ambilis ng panahon.

Bakit naman parang nag-iislow mo pag kasama mo siya or heartbroken ka? Kapag ibebreak down mo yung pangyayari eh halos 2-3 events lang yun. Tinignan mo siya. Nakita ka niya. Natuwa ka or sawi ka. Bumabagal siya dahil sa mga frames na hindi natin nakikita na may nasisingit kada main event. Ibebreak down natin ulit. Tinignan mo siya. Sa loob mo natuwa ka. Inspired ka ng bahagya. Tumingin siya. Nakita mong tumingin siya. Natuwa ka. Nagbago heartbeat mo. Yung pulse rate mo di mo malaman. Gumanda pakiramdam mo. Lalo kang nainspired. Kinilig ka na. Ilang event na yun? Di ba ang dami? Sobrang dami nating naramdaman sa saglit na pangyayari kaya minsan nararamdaman nating ambagal ng oras.

Bakit naman kunwari pag nauna tayo sa meeting place at wala pa yung mga hinayupak na kaibigan mo na masasabi mo ang bagal ng oras? Eh sobrang konting event lang naman ang nandun. Nauna ka. Umupo ka. Naghintay ka. Bakit humahaba? Ibreakdown natin ulit. Nauna ka. Napansin mong wala pa sila. Naasar ka agad. Umupo ka. Oorder ka sa resto kasi ampangit tumambay lang at nagmumukha kang tanga. Kakain ka. Titignan yung oras. Tetext mo sila kung nasan na. Naghahanap ka ng pwedeng gawin. Titignan mo yung oras. Tetext mo ulit sila. Imamaintain mo yung milktea mo sa mahabang oras. Tignan mo ulit yung oras. Itetext mo ulit sila. Maghahantay ka ulit. Ilang event na ba yun? Di ba ang rami? Di mo lang napapansin. Kaya nararamdaman mo na mabagal ang oras.

Ngayon alam mo na kung bakit mabagal o mabilis ang oras.


Leave a comment

LATE KA NA NAMAN!

Time.jpgPalagi nalang kada umaga traffic. Darating ka sa school o trabaho late. Sobrang dami na ba talagang sasakyan? O late ka lang kasi talaga bumangon. Hindi naman daw kasi fatal ang traffic eh and besides marami ngang kumikitang takatak boys at yung mga nagbebenta ng mani sa kalsada.

Walang mayaman o mahirap sa daan. Lahat ay naiistuck sa traffic. Pare parehas lang kayong malalate. Mahirap nga lang kung sasabog na pantogat nasa gitna ka ng highway. Iisipin mo kung pano ka magsusurvive sa araw na iyon. Di mo alam kung lalabas ka nalang at hindi ka na manghihinayang sa binayad mo o kaya titiisin mo hanggang makarating ka pero mahirap na baka bumili ka ng bagong pantalon.

Ayaw na ayaw nating nalalate kasi pwede tayong bawasan sa sweldo, mapagalitan ng prof at masayangan ng oras. Sobrang pinapangalagaan natin yung oras. Yung iba sobrang minamaximize yung time at sa certain period na yun, dapat nagawa na niya lahat ng dapat niyang gawin. Kanya kanya tayong gamit sa oras.

Alam niyo bang meron tayong 27,375 days para mabuhay? Base yan sa pag-aaral nila. So kung susumahin, meron lang tayo 75 days. Kaya nga yung kanta ni Ed Sheeran ay hanggang 70 nalang niya mamahalin yung babae. Ganoon na ata talaga kaikli ang life span natin ngayon. Ano na ba ang mga nagawa mo ngayon sa buhay? Worth it na ba yung ibinuhay mo dito sa mundo?

Don’t you think we’re so obsessed with time? Be on time. Be there at seven. Don’t be late. Para bang tayong isang alipin ng oras. Tayo ang nag-aadjust. Di ba pwedeng siya yung mag-adjust para sa atin? Na tayo ang may hawak ng oras. Malabong mangyari kasi mismo ang oras ay di niya kayang kontrolin ang sarili niya. Di niya alam kung kailan siya matatapos. Siguro nilagay ang oras para may kontrol tayo sa mga bagay bagay. Tinutulungan niyang balansehin ang buhay. Binibigyan niya tayo ng disiplina para masulit ang buhay natin.

Siguro ang oras ay matatapos lang sa mundo. Sa kabilang buhay ay wala nang oras. Kasi sa kabilang buhay ay nadisiplina na tayo sa mundo bago pa tayo dumating doon. Isang pagsubok ang oras kung paano natin gagamitin ito. Isa siyang kayamanang bigay ng Panginoon. Sana gamitin natin ng maayos.