Versuch

Ang mga nakalagay dito ay pawang trip lamang


Leave a comment

SA TINGIN MO NANDITO SIYA?

nanditokayasiya.jpgSa milyong milyong tao sa Pilipinas
Limang daang libo ay babae
Apat-napung porsyento ay may karelasyon
Dalawampung porsyento naman ay matatanda

Nakalimutan ko pa yung mga kamag-anak
Pati na yung naligaw sa ibang landas
May dalawampung porsyento rin naman ay mga bata
So ilan ang natitira?

Sa litratong ito
Nandito na kaya yung hinahanap mo?
Ang hirap isipin na kakaunti na lang ang pwedeng piliin
Tadhana nga ba ang magdidikta?

O maniniwala ka na lang dyan sa kalokohan na yan?
Swertihan ba ang mangyayari?
O baka talagang pihikan ka lang
Ewan ko sa’yo basta mahirap mag-isa.

Kung andito man siya
Aba eh wala akong pakialam
Kasi di mo naman siya nakilala nung panahong nandito ka
At nung nandito siya. *Naaalala ko tong tula pag pumupunta ako sa mall


Leave a comment

MYSTERY VS. HISTORY

kelan.jpg(Kala mo ang sipag magtrabaho. Nakadual screen pa kala mo pro.)

May misteryo na ba kayong pinanghawakan sa buhay mo? Sa sobrang gusto mo malaman, ginagawa mo ang lahat para lang malaman ang sagot. Bakit ba lagi kitang tinatanong? Ano bang pake mo sakin?

*Ang mga susunod na mababasa mo ay hindi lahat totoo. Malay mo totoo rin pero pano mo malalaman? Bat na naman kita tinatanong?

Isang araw nagkaroon kami ng pass para magcover ng UP Fair Roots 2015. It was a privilege kasi makikita namin yung mga idol naming banda up close and personal. So excited na excited kami ng kasama ko magcover. Ansaya pala pag may pass, dadaan ka sa backstage at hindi na pipila. Ang trabaho namin ay magshoot ng event at humanap ng mga nakaOOTD. So yun bigay ID at nagstart na kami maghanap.

Kami kinakabahan maghanap ng mga tao kasi baka yung standards na hinahanap samin eh baka di umabot sa expectation nila. Tas first time pa namin makihalobilo sa mga ganun na pipicturan sila. Di naman alam kung pano iapproach. So ayun may nakita na kami. 2 silang babae magkasama. Sa tingin namin pwede na sila sa OOTD tas inapproach namin sila. Tapos nagpaalam kami kung pwede sila kunan kasi para lang sa ipapasa namin for the event. Tinanong kami ni ate “Talaga bang photographers kayo?” Branded na nga yung damit, najudge ka pa. Well siguro mukha lang talaga kaming adik haha. Tas yun pinakita namin yung ID at yun naniwala din siya. So ayun pinucturan na namin sila. Ok tapos na yung sa UP fair.

Komiket. Excited din ako pumunta dito kasi puro local artist ang nandito. First time ko pumunta sa ganon kasi puro walang time dati. Tas andun din si idol Manix, Budjette at KaJo. Isa pa dun mahilig talaga ako sa komiks so ayun. Tuwang tuwa ako sa event at inagahan namin kasi may libreng ice cream. So habang naglilibot libot kami, may napansin akong babaeng pumasok. Sabi ko “Namumukhaan ko ata siya ah”. Tas sabi ng kaibigan ko, “San mo nakita yan?” Basta parang pamilyar mukha niya. Tas naalala ko sa UP fair. Paano ko ba naman makakalimutan kasi siya yung kumwestiyon ng pagkatao ko sa event hahaha. Tas sabi ko agad, “Wow coincidence ba to o tadhana?” Badtrip lang. Sabi naman ng kaibigan ko, “Di tadhana yan boy”. So ayun natuwa ako kasi parehas hilig namin. Komiks, UP fair,banda, at arts. Ang cool niya. So hanggang sa pag-uwi naiisip ko yon.

Pag uwi ko sa bahay. Iniisip ko kung subukan ko siya hanapin. Malaman lang pangalan niya. Pero paano ko malalaman eh mukha lang alam ko sa kanya. So gumamit ako ng Science of Deduction (feeling Sherlock) para malaman kung ano pangalan niya. San pa ba ako hahanap, edi sa internet. Ayun 10 mins lang naman ako naghanap sa kanya. Dahil may IG at hashtag, sa dami ng tread na yon, nakita ko rin siya. Nalaman ko pangalan niya at tinignan ko sa FB. Nagulat ako kasi isa pala siya sa mga artist dun sa komiket. Wow talaga. Nalaman ko na rin ang school at mga hilig niya.

Biglang nawala ang misteryong bumabalot sa kanya. Mas nalula ako kasi parang antaas niya. Out of my league talaga. Ngayon na nalaman ko na, so wala na, boring na ulit. Kahanga hanga siyang nilalang basta nakakalula.

Isa nalang talaga ang magagawa natin ngayon. Lahat ay open na sa mundo. Mabilis ka na makakakuha ng impormasyon kung saan saan. Now your job is to be a mystery to others. That is the only thing that is left.


Leave a comment

BAKIT MINSAN ANTAGAL NG ARAW?

Frames.jpg*Bakit ba may slo-mo pag andiyan ka? Tumitigil ang mundo ko pag nakita kita. Eto yung mga linya lagi sa mga pelikula at hindi sakin nanggaling yan. Naranasan mo naman na siguro yan kahit papano.

(Paopening opening statement pa, kala mo naman may nagbabasa)

Napapansin mo ba minsan may mga araw ambilis ng oras? Yung malalaman mo na Friday na agad, na lumipas na isang linggo, tapos na pala ang isang buwan. Eto naman sobrang bilis. May mga kapaliwanagan dyan.

Alam niyo ba ang frames sa video editing? Kung nag-eedit kayo ng video kahit sa anong software, siguro may background ka na sa frames. Kung nung bata ka nagdadrawing ka sa notebook mo kahit mga stick figures tas ginagawa mo kada page may certain animation, yung page dun ay yung frame. So kung iisipin niyo, lagi siyang ginagamit sa animation at sinasabi na napakatrabaho nun.

Ano naman konek ng frames sa pagbilis ng araw at yung pagbagal ng panahon? Ayon kay TED-Ed (search niyo sa Youtube), ang certain animation ay nadidistinguish kung gaano karami ang frame. Malalaman mo kung gaano siya kabilis o kabagal.

*Kailangan ng malawak na imahinasyon sa mga susunod na mangyayari

a) |     |     |     |     |     |     |     |     |     |

b) ||||||     |     |     |     |     |     ||||||||||||||

Sa dalawang halimbawa, san yung may mas mabilis na pangyayari? Kung titignyan niyo, mas mabagal ang nasa letter b. Bakit? Kasi ibig sabihin kada limang segundo may 5 frames ka na at sinasabi niyang may limang event na agad dun. Kung ikukumpara niyo sa letter a, sa limang segundo 1 frame palang pinapakita, ibig sabihin mabilis siya kasi 1 event pa lang pinapakita dun. Ang prinsipyo sa framing dito ay (More frames = Slower video | Less frames = Faster video)

Bakit may mga araw na sobrang bilis? Kasi sa araw na yun, konti lang nangyari sa’yo. Halimbawa pag nagtatrabaho ka, parang ambilis lang ng linggo kasi ano ba ginagawa mo sa isang linggo, gising ng umaga, commute papunta, trabaho, kain, trabaho, uwi, commute, pahinga, tulog and repeat. Di ba ang konti lang at sobrang monotonous? Kaya pakiramdam mo ambilis ng panahon.

Bakit naman parang nag-iislow mo pag kasama mo siya or heartbroken ka? Kapag ibebreak down mo yung pangyayari eh halos 2-3 events lang yun. Tinignan mo siya. Nakita ka niya. Natuwa ka or sawi ka. Bumabagal siya dahil sa mga frames na hindi natin nakikita na may nasisingit kada main event. Ibebreak down natin ulit. Tinignan mo siya. Sa loob mo natuwa ka. Inspired ka ng bahagya. Tumingin siya. Nakita mong tumingin siya. Natuwa ka. Nagbago heartbeat mo. Yung pulse rate mo di mo malaman. Gumanda pakiramdam mo. Lalo kang nainspired. Kinilig ka na. Ilang event na yun? Di ba ang dami? Sobrang dami nating naramdaman sa saglit na pangyayari kaya minsan nararamdaman nating ambagal ng oras.

Bakit naman kunwari pag nauna tayo sa meeting place at wala pa yung mga hinayupak na kaibigan mo na masasabi mo ang bagal ng oras? Eh sobrang konting event lang naman ang nandun. Nauna ka. Umupo ka. Naghintay ka. Bakit humahaba? Ibreakdown natin ulit. Nauna ka. Napansin mong wala pa sila. Naasar ka agad. Umupo ka. Oorder ka sa resto kasi ampangit tumambay lang at nagmumukha kang tanga. Kakain ka. Titignan yung oras. Tetext mo sila kung nasan na. Naghahanap ka ng pwedeng gawin. Titignan mo yung oras. Tetext mo ulit sila. Imamaintain mo yung milktea mo sa mahabang oras. Tignan mo ulit yung oras. Itetext mo ulit sila. Maghahantay ka ulit. Ilang event na ba yun? Di ba ang rami? Di mo lang napapansin. Kaya nararamdaman mo na mabagal ang oras.

Ngayon alam mo na kung bakit mabagal o mabilis ang oras.


Leave a comment

LATE KA NA NAMAN!

Time.jpgPalagi nalang kada umaga traffic. Darating ka sa school o trabaho late. Sobrang dami na ba talagang sasakyan? O late ka lang kasi talaga bumangon. Hindi naman daw kasi fatal ang traffic eh and besides marami ngang kumikitang takatak boys at yung mga nagbebenta ng mani sa kalsada.

Walang mayaman o mahirap sa daan. Lahat ay naiistuck sa traffic. Pare parehas lang kayong malalate. Mahirap nga lang kung sasabog na pantogat nasa gitna ka ng highway. Iisipin mo kung pano ka magsusurvive sa araw na iyon. Di mo alam kung lalabas ka nalang at hindi ka na manghihinayang sa binayad mo o kaya titiisin mo hanggang makarating ka pero mahirap na baka bumili ka ng bagong pantalon.

Ayaw na ayaw nating nalalate kasi pwede tayong bawasan sa sweldo, mapagalitan ng prof at masayangan ng oras. Sobrang pinapangalagaan natin yung oras. Yung iba sobrang minamaximize yung time at sa certain period na yun, dapat nagawa na niya lahat ng dapat niyang gawin. Kanya kanya tayong gamit sa oras.

Alam niyo bang meron tayong 27,375 days para mabuhay? Base yan sa pag-aaral nila. So kung susumahin, meron lang tayo 75 days. Kaya nga yung kanta ni Ed Sheeran ay hanggang 70 nalang niya mamahalin yung babae. Ganoon na ata talaga kaikli ang life span natin ngayon. Ano na ba ang mga nagawa mo ngayon sa buhay? Worth it na ba yung ibinuhay mo dito sa mundo?

Don’t you think we’re so obsessed with time? Be on time. Be there at seven. Don’t be late. Para bang tayong isang alipin ng oras. Tayo ang nag-aadjust. Di ba pwedeng siya yung mag-adjust para sa atin? Na tayo ang may hawak ng oras. Malabong mangyari kasi mismo ang oras ay di niya kayang kontrolin ang sarili niya. Di niya alam kung kailan siya matatapos. Siguro nilagay ang oras para may kontrol tayo sa mga bagay bagay. Tinutulungan niyang balansehin ang buhay. Binibigyan niya tayo ng disiplina para masulit ang buhay natin.

Siguro ang oras ay matatapos lang sa mundo. Sa kabilang buhay ay wala nang oras. Kasi sa kabilang buhay ay nadisiplina na tayo sa mundo bago pa tayo dumating doon. Isang pagsubok ang oras kung paano natin gagamitin ito. Isa siyang kayamanang bigay ng Panginoon. Sana gamitin natin ng maayos.


Leave a comment

BAKIT BA BAWAL MADALIIN?

Mismo.jpg(Kuha ni Michael Reyes nilagyan ko lang ng filter)

*Eto yung first coverage namin sa UP fair. Salamat Amplify.ph 🙂

Babala asawa ni… Ang lahat ng nakasulat dito ay bahagyang kasinungalingan. Bahala ka nalang kung ikaw ay maniniwala o magpapaloko.

“Masarap umibig. Masarap ang inspirasyon. Huwag lang minamadali. Lahat ng bagay nasa tamang panahon.” – Lola Nidora

*Walang basagan ng trip. Maganda kasi talaga ang sinabi ni lola. Parang di kayo nanonood ng Eat Bulaga.

Bakit kaya hindi siya pwedeng madaliin? Bakit ba tayo kelangan mahirapan? Bakit ba tinatanong kita?

Andami sa panahon natin ngayon ay puro madadali na. Fast food, Social media, cellphones, buhay ng tao, relasyon, atbp. pwera nalang sa kotse. Palagi kasing traffic walang hiya!

Naalala niyo pa ba dati yung mga liham, libro, library, camerang defilm, photo album, mga picture frame, harana, karoling, pamamanhikan at paglalaro sa labas? Napansin niyo bang wala halos gadget? Walang internet? Lahat ay talagang mahihirapan ka muna bago mo makuha yung gusto mo. Tulad na lang ng film. Ilang linggo mo pa yang aantayin para lang makita mo yung picture mo nung nagbirthday ka. Ang mga subject pa sa picture ay buong pamiliya. Hindi yung cake, regalo, kamay o paa. Talaga kasing pinapahalagahan ang film noon. Every shot counts.

Diba ang sarap pag ikaw talaga mismo ang gumagawa. Nandoon ang oras at panahon mo para lang sa kaligayahang gusto mo at ibibigay mo. Mas rewarding kaya ang pagsulat ng liham at ipadala eto sa ❤ mo kesa sa text o social media. Sobrang usual na kasi yan sa panahon ngayon. Pag nakatanggap ka ng sulat, palagi nalang tubig, Meralco o credit cards na tinataguan mo. Sobrang dali na kasi ng komunikasyon sa atin

Bakit hindi mo gawing espesyal lahat ng ginagawa mo. Instead na sa IG mo ilagay yan, bakit hindi ka gumawa ng photo album ulit ng may mahawakan ka ulit na litrato. Ang pangit lang kasi sa bisita pag dumalaw, yung ipapakita mong album galing sa Social media. Iba parin ang nahahawakan.

Dati rati kung paano manligaw ang mga lalaki sa babae ay sobra sobra ang ipapakita mong determinasyon para lang mapatunayan mong talagang ❤ mo yung anak nila. May igib, sibak ng kahoy, harana, at pamamanhikan. Bakit ba nawala na yan sa tradisyon? Dahil ba wala nang puno kaya wala nang sisibakin? Di na pwede mag-igib kasi may nawasa na? Bakit wala nang harana kasi may soundcloud na? Sa Bibliya nga si Jacob pitong taong nagsilbi para lang makuha si Rachel. Yung pag-iibigan nga ni Paris at Helen nagsimula pa ng gera. Paano mo nalang ipapakita yung determinasyon mo sa kakatext mo? Walang kahirap hirap.

Mas maligaya ang mararamdaman mo pag nahirapan ka. Ramdam mo ang bawat pasakit mo para lang makuha ang gusto mo. Para kang nakasagot ng problem sa Physics na sinamahan ng Calculus. Kaya pwede, wag kang magmadali.

*Sobrang babaw. Wag mo nang pansinin. Hindi ko ito sinulat pero bat ipopost ko pa rin. Pero hindi ko ito sinulat. Gabi na kase.


Leave a comment

KUNG BUHAY NATIN AY PARANG SA SIMS

TS4 2015-07-12 16-34-07-18.jpg(Si Hugh Lu, ang pangalan ng character ko sa Sims 4 ay nakacostume ng Darth Vader habang sumasali sa game tournament ng R.E.F.U.G.E)

Pag sinabing Sims. Eto ang naalala ko.

HTTPS://WWW.YOUTUBE.COM/WATCH?V=RSW1LL2J7LC&LIST=PL28035C5306F62897&INDEX=12

Siguro yung iba sa inyo alam yang tunog na yan. Siguro rin yung may mga alam nyan ay mga nasa mga 18 pataas na ang edad.

Naalala mo pa ba yung una mong ginawang Sims? Yung paghiram mo sa kaibigan ng cd kasi di pa uso net noon para magresearch ng cd key. Pati na rin yung pagbili o paghiram ulit ng mga expansion packs.

Bakit nga ba tayo tuwang tuwa maglaro ng Sims? Bakit kaya nakakapagsayang tayo ng ilang oras dito para lang makabuo ng perpektong bahay. Minsan pa nga sa tao pa lang, nakailang minuto ka na.

Iniimagine kasi natin minsan tayo yung Sims sa laro. Ginagawa natin ang lahat para lang maging perpekto ang buhay niya. Halos lahat ng skills ata ay gusto mong imax. Yung bahay mo ay kadalasang mansion. Siguro may extra Sim ka rin para lang gawin mong katulong sa bahay kasi yung service maid minsan sa laro eh di nalilinis ang lahat. Lahat ata rin ng naglalaro nito ay kilala si Rosebud, Klapaucius, Kaching, at si Motherlode. Lahat din ng bagong gamit ay gusto mong subukan kasi may mga animation silang kakaiba at nakakatuwa. Ilang Sims na rin ba yung naging kafling mo dito? Kasi kaya ng isang araw na magkaroon ka agad ng syota o minsan pwede mo na kagad siyang ilive in tas maya maya asawa mo na siya na may anak.

May iba rin na gusto lang pumatay ng kapwa Sim. Ang popular diyan ay yung paglunod, pagsunog sa apoy, at pagkamatay sa gutom. Inaabangan pa kasi natin yung animation ni kamatayan pag may nasawi. Gustong gusto natin minsan magkaroon ng isang haunted house at makita yung mga multo ng pinatay mong Sim.

Napansin mo rin ba na sa Sims ay pare-parehas sila ng height? Pinapakita lang dito na lahat ng tao doon ay halos perpekto. Walang sakit at pimples. May ibang version na nagkakasit pero saglit lang. May iba rin na version na may weather pero kasi pag dinagdag pa yun ay baka lumawak pa lalo ang gameplay.

Di ba sobrang bilis ng oras sa Sims? Magluto ka lang araw-araw ay mapopromote ka na sa trabaho mo bilang chef. Magkaroon ng mga kaibigan na 5 ay mapopromote ka na uli. Paano kaya kung ganoon din sa totoong buhay? Marami sigurong nagsarang kompanya dahil sobrang dali lang umangat.

Napansin mo rin ba na sobrang lalakas ng loob ng Sims. Paano ba naman kasi eh sumasagot din naman agad yung kausap mo at bihira mapahiya. Sobrang smooth lang lagi ng convo nila. 80% ata ang chance para makakuha ka ng mabuting feedback sa kanya. Paano kaya kung ganun tayo katapang? Bigla ka lang kakausap sa di mo kilala at magiging friends kayo pagkatapos ang gabi. They are cherishing the now. Wala silang iniisip kundi gawin lang ang gusto nila.

Bakit kaya walang religion sa Sims? Siguro magkakagulo pag nilagyan kasi maraming magpoprotesta kung bakit di nabigyang justice ang religion nila. Di rin siguro nila kailangan ng guidance kasi nakafocus lang sila sa sarili nila. Ganoon ata kaegocentric ang isang Sim.

Mula Sims 1-4 nalaro ko na. Nakakasawa rin pala pag yun at yun lang din naman ang gagawin mo at pag nagawa mo na ang perpketong Sim. Yun lang din naman ang isa sa mga pagkukulang sa Sims – Nagagawa mong perpekto yung mundo mo. Pero astig parin naman talaga yung gameplay. Nakakasar lang minsan nakakaadik maglaro.