Versuch

Ang mga nakalagay dito ay pawang trip lamang


Leave a comment

SA TINGIN MO NANDITO SIYA?

nanditokayasiya.jpgSa milyong milyong tao sa Pilipinas
Limang daang libo ay babae
Apat-napung porsyento ay may karelasyon
Dalawampung porsyento naman ay matatanda

Nakalimutan ko pa yung mga kamag-anak
Pati na yung naligaw sa ibang landas
May dalawampung porsyento rin naman ay mga bata
So ilan ang natitira?

Sa litratong ito
Nandito na kaya yung hinahanap mo?
Ang hirap isipin na kakaunti na lang ang pwedeng piliin
Tadhana nga ba ang magdidikta?

O maniniwala ka na lang dyan sa kalokohan na yan?
Swertihan ba ang mangyayari?
O baka talagang pihikan ka lang
Ewan ko sa’yo basta mahirap mag-isa.

Kung andito man siya
Aba eh wala akong pakialam
Kasi di mo naman siya nakilala nung panahong nandito ka
At nung nandito siya. *Naaalala ko tong tula pag pumupunta ako sa mall

Advertisements


Leave a comment

Kasiyahan ba?

kasiyahan.jpgKasiyahan ba?

Etong mga korteng tao na to’

Sa tingin mo masaya?

Nakataas ang kamay

Nakatayo at di ko makita yung nasa harap

Kahit di mo rinig hiyawan dahil litrato lang ito

Kita mo ba talagang masaya sila?

Nakakahawa kaya

Pati ako napasigaw sa tuwa

Bat nga ba nakakahawa ang katuwaan ng iba?

Kahit di mo nga masyadong kilala yung nanalo

Napapasigaw ka kasi masaya silang lahat

Sana ganito na lang pag badtrip ako

Para mabilis mawala

Maging liwanag sa dilim

At hawaan mo kami.

(Old post 3 yrs. ago)


Leave a comment

Parang may kulang.

parang may kulang.jpgParang may kulang.

Parang may kulang talaga eh

Kulang ng “I”

Kahit pag balik baliktarin

Di pero kung talaga ng “I”

Pag may “I” kumpleto na

Because I already have you

Bakit?

Tignan mo nang mabuti

Kahit pag balik baliktarin mo pa

Yun talaga eh

Wala nang hahanapin pa

Kundi yun eh

Tagalog word siya

First word siya ng hit ng Silent Sanctuary

Di ba? Nakuha mo ba?

You complete me 😀

*Shet ang cheesy at korny che! Like nyo pag nakuha nyo yung sagot. Isa pang shet, parang sa fb lang, like nyo pag nakita nyo takteng yan!

Sige nga anong sagot?

(Old post 3 yrs. ago)


Leave a comment

Maganda kung may ka holding hands ka.

holdinghands.jpgMaganda kung may ka holding hands ka.

Yung mga ganitong scenario

Pinapalibutan ng puno

May maikling pathway

Mukhang serene kung ika’y maglalakad

Ito na siguro yung pwede mong gawin

Kalimutan muna ang lahat

At isipin ang oras ng iyong paglalakad

Isipin yung kasama mong malalakad

Pakiramdaman mo kung may pheromones siya

At pag ang init ay nag-isa

Nadaplisan pa yung kamay nya

Unti-unti mong hawakan ito

Ramdam mo ang ligaya

Na may kasamang awkwardness

Pero wag mo nga iisipin diba?

Mag-enjoy na lang tayo

Dama nyo yung hangin na humahaplos sa inyong mukha

Yung buhok pati niya hinahangin

Tas sinamahan pa ng tawanan

Sabay pumikit ka.

*Ikaw may kaholding hands ka na ba?

(Old post 3yrs. ago)


Leave a comment

Ang Liwanag ay Tila Nandyan

liwanag.jpgAng liwanag ay tila nandyan.

Sa araw araw na ginawa ng Diyos

Sa hirap pumasok sa eskwelahan

Nandyan pa rin si kuya

Para magluto ng hotdog

Sa tuwing ako’y nagugutom

Sisindihan lang nya yung kalan

Papainitin ang mantika

At ipiprito na ang hotdog

Yung liwanag tila nandyan

Lahat ng bumibili ay nakakatanggap ng saya

Lahat ay natutuwa sa lasa

Pero tila ba nandyan ba talaga ang liwanag?

Sa tagal tagal ng panahon

Makikita mo pa ba magluluto ng hotdog si kuya?

O habang buhay na lang siyang magluluto ng hotdog?

Tila ito ay isang maliit na liwanag para sa araw araw

Kelangan natin ng liwanag talaga

Yung itatawid tayo para makita ang lahat

Kung andyan na yung liwanag sa’yo

Wag mo na pakawalan please!

*Hanapin ang liwanag natin at wag matakot ipaglaban ang liwanag ng nasa sa atin 😀

(Old post 3yrs. ago)