Versuch

Ang mga nakalagay dito ay pawang trip lamang


Leave a comment

Dilaw na Bulaklak

Dilaw na Bulaklak-1.jpg

Nabighani at napukaw ang bulaklak sa liwanag ng araw

Kahit saang direksyon nito ay siyang sinundan

Kumpas ng bawat talutot ay may kulay at buhay.

 

Dilaw ang bulaklak na kaakit-akit

Na naiiba sa lahat ng nakapaligid.

 

Madaming paru-parong gustong sumilay

Malapitan at makuha lang ang matamis niyang nektar.

 

Sa tamang panahon, isang paru-paro ang nakalapit sa dilaw na bulaklak

Sa wakas! Ang paghihintay ng bulaklak ay tapos na.

 

Tamis at kilig ang nabibigay ng paru-paro at bulaklak sa isa’t isa

Lumago ang dilaw na bulaklak subalit dumami rin ang mga paru-paro.

 

Nadagdagan na rin ng bubuyog, ibon, at paniki.

Ang inalagaang nektar ay naubos din.

 

Nakita ng unang paru-paro ang nangyari

Ang dilaw ay naging kahel

At napagod na rin sa pagkumpas.

 

Ang paru-paro ay may ilang araw nalang upang masilayan ang kanyang ganda.

Ngumiti ito at hindi na kinuha ang natitirang nektar sa kahel na bulaklak

Lumisan nang masaya sa pag-asang babalik ang kahel sa pagiging dilaw.


Leave a comment

UTANG NA LOOB

utang na loob.jpgUy! Kamusta ulit sayo mambabasa.(Kung meron man) Ngayon na lang ulit ako nakapagsulat kasi ewan ko ba. Pag nasa byahe ako lalo na pag nasa gilid ng bintana, andami kong naiisip na pwedeng isulat pero pagdating sa bahay, mas gusto ko na magpahinga at maglaro.

Bakit kaya ang hirap sating maningil ng kaibigan pag may utang sila? Bakit tayo pa nahihiya iapproach sila na ipaalala na “Uy! kelan mo pwedeng bayaran yung utang mo?” (With friendly tone na) Bakit nga ba yung iba deadma lang na parang walang nangyari na gustong palipasin yung pagbibigay mo sa kanila ng mumunting tulong? Mas tumatagal pa nga ang utang kesa sa relasyon eh.

Alam ko namang naranasan na natin lahat to. May darating na kaibigan na mangungutang sa’yo kasi kelangan talaga o talagang magulang lang sa buhay. Eh ikaw naman tong mabait na kaibigan, syempre bibigyan mo kahit papano pag may extra kang pera. May iba’t ibang klase ng mga nangungutang. Mag-aapproach yan sa’yo na parang ambait bait na parang tupa with matching makaawa aura para talagang maramdaman mo ang need niya pero sila naman yung kadalasan pag siningil mo eh sila pa ang galit.Meron ding sobrang todo sa promise na kala mo itataya buhay niya para lang mapautang mo. Sasabihin niya na itataga pa sa bato para lang di makalimutan. Meron ding may date pa kuno na babayaran niya agad kung kelan niya sinabi pero pag dumating na yung araw, parang di mo man lang mahagilap kahit san mo siya hanapin.

Bakit nga ba tayo nahihiya maningil? Unang una kasi kaibigan natin sila na nasa mindset na natin na magbabayad naman siya eh kasi alam naman niya yung utang niya. Pero sila yung isa sa mga bihira magbayad kasi tropa tropa daw. Suklian na lang ng errands para kwits. Pangalawa, alam mo background ng buhay niya. Eto yung minsan mahihiya kang singilin kasi alam mo yung kapasidad niyang magbayad. Mapapaisip ka pa na “Wag ko na kaya yong singilin, kasi dadagdag pa ako sa pinapasan niyang problema.” Ang nakakaloko lang dito ay pag makita mo siyang bumibili bili ng kung ano ano na di naman importante tas ipapakita pa sa’yo na parang walang matandaang utang. “Kala ko ba wala kang pera? Hutaenaka!” Panghuli, nasa sistema na ng katawang mahiya. Human nature na ata talaga na tayo yung nahihiya pag naninigil tayo eh. Siguro para sakin kaya di ako pwede magpapayb six kase maawa at maawa lang ako sa mga nangungutang sakin. Parang baliktad nga diba, dapat sila yung nahihiya na di pa nila naibabalik yung hiniram nila pero nagiging muha eh sila pa yung walang hiya na sobrang dami nilang sinasabi sa’yo pag naniningil ka na tulad ng “Alam mo namang wala akong pera eh, bat ba ang kulit mo?”, “Bat ganyan ka, para ka namang walang awa, kita mong naghihikahos ako ngayon”, at ang pinakamalala “Mukha ka talagang pera ano! Hayan na pera mo, saksak mo sa baga mo!” (With balibag pera then walkout) Sa kadulu duluhan, ikaw pa magmumukhang masama kasi naistorbo mo yung oras nila.

Di naman masama mangutang eh lalo na pag kailangan. Di naman ako madamot. Ang sa akin lang magparamdam naman kayo at konting hiya naman kahit papano. Di naman kasi pinupulot ang pera eh.Kasi di lang naman pera ang hinihingi mo pag nangutang, pati tiwala ng tao. Pero yung mga di nagparamdam, di na kayo makakaulit!

PS: Sobrang daming rants pampatanggal ng stress.

(Old post 1 yr. ago)


Leave a comment

THE SPARK CYCLE

spark cycle.jpgKamusta mambabasa! O kaya napabisita dahil bored na. Ako’y nagbabalik para mantrip at magsulat tungkol sa mga bagay bagay na di naman nakakatulong sa bayan. Ito ay purong pansarili lamang. Kung ayaw mo yung walang sense, pwede ka nang umalis. De joke lang pero sige kung kaya mo basahin, sige lang :D

Eto ay patungkol ngayon sa tinatawag kong “Spark Cycle”. Ito ay isang phenomena na natural na nararanasan natin. Nangyayari to pag may nakikita tayong maganda sa mata. Biglaan lang siyang sasapul sa utak mo na “Ow” na di mo maintindihan bat parang interesado ka sa kanya. Ewan ko ba bakit di mo maexplain kasi yung pisikal ay di sapat para magkaroon ng spark. Siguro may mga bagay na nagpapalakas ng nararamdaman tulad ng hangin pag humawi siya ng buhok, o yung pagtali nya ng buhoy na papony tail, o yung ngiti na parang mas malakas pa sa Ebola pag ikaw ay tinamaan o yung matang kay pungay na sobrang lakas ng dating. Ito na ata ang sinasabi nilang “Sparks” na sumabog na lahat ng hormones mo sa utak para magkaroon ka ng kiliti sa iyong sarili.

Nakakaenjoy magkaroon ng Sparks kase lagi mong nararamdaman yung feeling na may gusto ka sa isang tao. Ito minsan ang dahilan kung bakit ka pumapasok sa eskwelahan o kaya yung pagsali mo sa iba’t ibang orgs na di mo naman gusto o kaya mahalin ang ibang obra na di mo naman talaga gusto. Minsan napapapoetry ka pa dahil sa kanya. Ansarap talaga ng ganito na parang may dahilan ka lagi paggising mo. Araw-araw inspirasyon at nagagawa mo yung di mo kayang gawin dati para lang makita siya. Kulang na lang maging stalker ka nya.

Okay mapunta na tayo sa cycle. Lahat ay may katapusan. Di lahat puro kasiyahan. Eto na yung cycle.

SPARKS > STALK > TALK > APOY > WALA NA

Ang unang phase ay yung isa sa pinakamasayang pangyayari kase dito mo mararamdaman ang lahat. Kilig, inspirasyon, at kung ano ano pa. Punta na tayo sa third phase kasi alam nyo naman ang ginagawa sa 2nd phase. Ang third ang pinakaimportante sa lahat. Dito mo malalaman kung tatagal ba ang Sparks o maglalaho na lang. Dito kasi natin nakikilala yung tao kung ano ba talaga siya. Baliw, Alien, Hayop o kung ano pa man. Ito rin ang big step para umusad ka brad. Pag di mo siya makakausap, alaws din at malabong magtagpo ang landas ng prospect mo. Sa phase na rin na to ay malalaman mo kung may sparks din sya sayo. Yun yung isang masyang information pag nalaman mong meron din kasi trabaho mo na lang na iignite yung sparks para maging apoy. Pero kung wala, minsan kasi mahirap basahin ang tao o minsan wala talaga kaya matitigil na kagad ang kahibangan mo at titigil ka na sa kanya. May mga instances rin na okay naman yung istado nyo ngayon, di ka pa naman binabasted o finefriendzone, ibig sabihin nasa saiyo na kung papalakasin mo yung spark para maging apoy o stay na lang as spark hanggang mawala.

Third phase, ay yung turning sparks into fire. Panu nga ba papalakasin ang spark? May two ways ka para palakasin ang apoy. It’s either sa pagsisikap mo, lalakas yung apoy o yung sa sobrang sikap mo, maanoy siya at lalakas talaga yung apoy kasi magagalit sayo at gusto ka na nyang sunugin ng buhay. Dun muna tayo sa positive na apoy. May ibang cases na malalaman mo na agad na may sparks siya sayo, trabaho mo na lang na keep the fire going. Pero yung tatrabahuhin mo pa, astig din yan kasi diyan mo ipapakita na espesyal siyang tao sa’yo. Syempre dyan kayo magkakakilala talaga. Lahat na ata ng mani obra gagawin mo. Gayuma, kulam, ligaw, pamamanhikan, bili ng regalo at kung ano ano pa para lang maging stable kayo. Well alam mo naman yung feeling pagnagkiclick na kayong dalawa eh. Para kang nasa alapaap nyan at naglalaro lang sa ulap. Para kang laging umiinom ng Cobra kasi di ka nauubusan ng energy. Gamitin mo yan brad para makatulong sa bayan o kaya para maimprove ang sarili mo para mabigyan mo ng magandang future si girlie hihi. Dun naman tayo sa negative fire. Lahat naman nakakaramdam ng hagupit ng basted at friendzone eh. Di natin mahuhubog ang pag-iisip ng tao para magustuhan tayo. Ang gagawin mo lang dito eh yung mag move on o kaya magsumikap pa at magpakabayani. Di ko lang alam kung gaano kamartyr ang gagawin mo para mareverse ang epekto neto. Goodluck sayo pero tandaan, marami pang bagay ang pwedeng gawin kesa maghanap ng sparks.

Last phase, ang pinakamasaklap. Ang pagpatay sa apoy. Panu ba nangyayari to? Eto na ba yung point sa buhay na wala ka nang makitang apoy at napapagod ka na magbigay ng panggatong para lang umapoy? Dito na ata kase siguro yung puro nagkakalabuan na. Bigayan na ng rants to sa buhay sa isa’t isa kasi dito ay fully kilala mo na siya. Ang huling tanong na lang dito ay kung napipicture mo na siya para sa future mo at kung pano ang magiging relasyon nyo. At ang tanong na, matatanggap mo ba siya sa kanyang buong pagkatao? Parang kasal lang. Kasi dapat ganito tayo mag-isip para di magkaroon ng unsuccessful marriage. Teka anlayo ko na bat ganun. Basta, ganito dapat yung mindset para walang nasasayang na oras at feelings. Kasi ang feelings di mo alam kung kelan mauubos yan. At isa pang dahilan kung bakit namamtay yung apoy eh yung paglisan ng isang katuwang. Isa siyang natural na pangyayari na dapat nating tanggapin. Ang huling trabaho na lang natin ay alagaan ang natitirang apoy na iniwan niya sa atin para sa susunod na buhay 😀

*Anlalim ba? Badtrip, nagkandaloko loko na yung mga sinulat ko.

(Old post 1yr. ago)


Leave a comment

KANIN NA LANG ANG FOREVER

DSC02412.jpgKamusta mambabasa! Ngayon lang ulit ako nakapagsulat. Tinatamad kasi ako at pag magsusulat na ako, bigla kong naiisip na maglaro o kaya tatamarin na lang ako bigla. (Bat kita binabati? Wala naman atang nagbabasa sa blog ko)

Palagi bang may kasamang kanin yung ulam mo? (Pag nagdadiet ka o kung di ka sanay sa kanin, baka di ka makakarelate dito) Natry mo na bang alisin yung kanin at ulam lang ang kainin? Di ba parang sayang? Ulam lang kakainin mo? Pwera na lang kung mayaman ka na di na nanghihinayang. Di ba parang bitin? Lalo na pag sobrang sarap ng ulam. Kaya pag sinabing mataba ka, sabihin mo “Di ko hinahayaang maaksaya ang hirap ng mga gumagawa ng kanin at least inuubos ko at di tinatapon.”

Pag sa hapag kainan, pwede mo na siyang sabihan na “You complete me” kasi parang kulang talaga pag wala siya. Ewan ko ba bat ang sarap kumain pag may kanin. Lalo na pag sinangag na tas kahit anong ulam na ilagay mo dyan, masarap pa rin ang kain mo. Samahan mo pa ng “Liquid seasoning ng knor” pag nakakaluwag. Sobrang saya kumain nun.

Bat pag sa fast food chain napapa extra rice tayo? Siguro masarap yung kanin pero ang dahilan ay sobrang liit ng servings ng kanin. Ang technique ata nila eh pasarapin ang ulam tas kontian ang kanin para umorder ulit ng kanin tas dadami benta nila. Kung ako sa’yo, magbaon ka ng kanin sa bag tas yun na lang extra rice mo. Wala naman kokontra kasi pare parehas tayong kumakain dito. Pakapalan lang naman ng mukha eh. Tsaka nagiging praktikal ka lang.

Pero di lahat ay natatamasa ang kaganahan lalo na pag limitado lang ang pwede mong kainin. Pag sa mga takal takal ang sukat ng kanin katulad sa di mapalad, bawal kang ganahang kumain at maparound 2 kasi lahat ng kasama mo magugutom. Dapat tama lang at yun ang masakit isipin dun.

Babasahin mo pa ba pag hahaba pa tong sinusulat ko? Sa tingin ko nga umpisa pa lang eh ayaw mo na. Pero wala din namang sense tong sinusulat ko eh haha.

Talagang nakadikit na sa atin yung kanin. Kahit san ka kumain, may kanin. Wag tayo mag-aksaya ng kanin. Maraming naghihirap para lang makakuha ng kanin. (Naging adbokasiya pa tong blog na to’)

*Tatapusin ko na kasi baka di mo na basahin pag sobrang haba eh

(Old post 2yrs. ago)


Leave a comment

BARKER, MATH, AT PATOK JEEPNEY

IMG_2559.jpgAng jeep ay isa sa mga pinagmamalaki natin sa Pilipinas dahil dito natin pinapakita kung gaano karesourceful ng mga Pilipino pagdating sa pagbuo ng Jeep galing sa iba’t ibang piyesa ng ibang sasakyan. Pinapakita rin dito ang pagiging malikhain natin dahil ang mga ito ay may sari-sariling disenyo.

Mapunta tayo sa gusto kong sabihin. Bakit nga ba may barker? Di naman na kelangan yun ah. Di ba may sign board naman na tas meron pang nakalagay sa gilid kung san ruta ng jeep? Di pa ba sapat yun? Di ba kaya ng drayber na siya na lang magtawag ng pasahero para maiwasan na rin niyang mahingan ng barya. Anu ba talaga ginagawa nila? Dagdag nga rin sila sa dahilan kung bakit nagkakatrapik eh. Kasi naman papatigilin nila yung jeep tas magtatawag ng pasahero. Sinu nga pala yung unang nakaisip na maging barker? Sinu kaya yung unang barker sa Pilipinas? Nagkajeep kaya siya nun sa pagbabarker niya? Vice versa sa tulong niya sa driver, pag nakahinto yung jeep, sisikapin niyang mapuno yun para mas marami siyang baryang makukuha. Mutualism. Parehas silang nabebenipisyohan. May barya, may pasahero. Mahirap din maging barker, sigaw buong magdamag, boses lang puhunan.

Pag nasali na ang Math sa usapan sa pagsakay ng jeep, minsan may mga problema tayong kinakaharap. Tulad nalang pag sinasabi ng kundoktor na “4 pa! Kasya pa! Sampuan yan sir!” Tas makikita mo sa loob parang wala nang pwedeng maupuan, tas ikaw naman tong nagmamadale kasi late ka na lang palagi, sumakay ka. Minsan di nila naiisip yung “QUALITY OVER QUANTITY” kasi minsan may malalaking tao na dalawang tao katumbas tas ibibilang lang nila ng isa. Minsan naman talagang sa kagustuhan kumita, sasabihing may mauupuan pa pero sobra na kayo sa loob. Parehas parehas lang naman tayo dito na gustong umunlad sa buhay eh. Pag sakay mo, sa sobrang sikip, kalahati ng pwet mo lang ang nakaupo. Dapat nga bayad mo dito kalahati lang din eh. May ibang sitwasyon na sobrang sikip na talaga na di ka na makaupo. Meron din namang may mga habas ng tigas ng mukha na pasahero na kung makaupo, kala mo tatlo binayaran. Pero nadadaan naman sa pakiusapan yan. Hinay lang. Di yun na at nakausli ang kalahating pwet mo na para kang nakasquat. Nakakapanlumo pag sobrang layo ng byahe mo tas walang bumababa, wow daig mo pa sundalong naparusahan sa kakasquat! Siguro nga pag sa kalagitnaan ng byahe may mangyareng di inaasahang trahedya. Isusugod ka sa ospital tas tatanungin ng doktor kung bakit ka sinugod. Sasabihin mo naman “Di na kinaya ng tuhod ko, pumutok na lang sa sikip ng pagkakaupo” Baka maoperahan ka pa. Wag naman sana.

Ang huli. Kung talagang late ka na at gusto mo talaga yung literal na LUMILIPAD NE JEEP, “Patok” yung sakyan mo. At bago mo maranasan ang mabilis na jeep. Mararamdaman mo sa upuan mo ang napakalakas na vibration ng bass na tinalo pa yung Super bass ni Nicki Minaj. Sa sobrang lakas ng bass eh puro bass na lang naririnig mo. With matching “patay sinding ilaw”. Maganda yun pag paalis ka palang. Ang mahirap eh yung pauwi ka na. Yung gusto mo na lang magpahinga dahil napagod ka sa buong araw tas yun lang maririnig mo. Buhay ng gangster na wala ka naman kinalaman sa pagpunta niya ng araw. Siyempre di ka makakatulog nun. Punta naman tayo sa bilis ng jeep. Siguro kung sasali ng drag racing yung patok, may laban eh. “It can run 120km/hr” Daig pa yung mga kotse. Kulang na lang pag nagbabyahe na kayo yung soundtrip na… I’m on my highway to hell… Para kasing isang bangga o pagkakamali lang ng drayber, patay ka na. Ang hilig pa nitong sumingit singit pero walang preno preno. Di mo talaga mararanasan ang adrenaline rush. Dasal lang tayo kaibigan!

At yun, ewan ko kung nagbabasa ka dito o umabot ka sa part na to. Pero thank you!

(Old post 1yr. ago)


Leave a comment

HAHA

haha.jpg

Naglalagay ka ba ng “HAHA” sa text, chat o kung ano mang mensahe para sa iyong kaibigan, kakilala, di kilala, nagpalike, o basta sa mga nakakausap mo? Bakit nga ba natin nakaugalian mag “Haha” pag nakikipag-usap? Aba malay ko haha.

Anung sense ba ng “Haha” sa daily convo? Pampadagdag ng emosyon para sabihing di ka dull pag nakikipag-usap. Ilagay lang para kunwari nakakatawa yung message niya. O baka naman para sabihing friendly ka.

Lagi nilalagay yung “Haha” upang maging first word o gawing end word. Pang start ba siya ng sentence o pang tapos na rin?

Pwede ring naging mannerism na natin siya sa pagsusulat kung bakit laging nakadikit ang “Haha” sa buhay natin. Araw-araw ba naman tayo nakikipag-usap pwera na lang kung anti social ka at galit sa mundo.

San nga ba nagmula ang “Haha”? Inimbento ba ito ng pinakamasayang tao o natripan lang nila gawin ang “Haha” as tawa. Pwede naman natin malaman yan kung magreresearch tayo eh. Katamad nga lang “haha”.

Ang “Haha” rin ay parang pumapalit din sa emoticon. Ito ay ginagamit para masabing may emosyon ka habang nakikipag-usap ka sa kanya. (inulit ko lang yung sa 2nd paragraph) Kunwari nagpalike crush mo kasi bihira mo lang siya makausap eh. Sabi palike naman neto WWW.FACEBOOK.COM/SPARQBIOCARE tas sasagot ka naman “Okay na po haha :)” Doble pa yung pagkaexpress mo na lively ka kausap pero sa totoo lang, poker face ka habang nagtatype. (Ay! pero pag crush mo naman pala, napangiti ka ng bahagya nun)

Sa tingin mo may epekto yang “Haha” mo sa message mo? haha