Versuch

Ang mga nakalagay dito ay pawang trip lamang


Leave a comment

“Just take one step back and see the reality.”

GIF.gif“Just take one step back and see the reality.”

Do you think we’re too obsessed with the time? I mean really what’s the rush? Are we up to something infinite? Well in my case time can be worthwhile if you enjoy the circulation of it. I’m too obsessed with the time because I really value every second of it. It is the best gift God have given to us. I really don’t want to idle. I just want to be spontaneous. Even fantasy and reality are the same to me but I’m not so serious as hell, really I just want to live like you’re living a livingful life.

*The word “livingful” is not a word.

(Back in way 2013. My description on our blog Awkweird)


Leave a comment

HALAMANIZATION

Bat.jpg(Nagtatry ako gumawa ng film entitled Malay Mo pero di ko masimulan kasi…)

*Ang mga nakasulat dito ay pawang kathang isip lamang. Wag agad maniwala.

From the root word “halaman”. ‘Yan ay ang pag-convert ng sarili mo para ikaw ay maging halaman: nilalang na walang feelings, walang emosyon at walang kalibog-libog sa katawan. Magcoconcentrate ka sa non-love aspects of life.

-Ramon Bautista

Ang halaman ay isang living thing na nangangailangan ng araw, tubig, at oxygen para mabuhay. Mag-isa siyang gumagawa ng pagkain niya sa araw-araw at lumalaki siya ng kusa. May pakiramdam ba sila?

Pwede ka rin kayang maging halaman. Walang feelings at nakafocus lang sa mga non-love aspects of life gaya ng pera, trabaho, pagkain, bahay, atbp. Mapapansin mo sila ang may pag-asang yumaman kasi driven sila magtrabaho. Talagang sa pag-iimprove lang ng sarili sila nakatuon. Sila rin yung mga successful sa life (Yung iba) pero mag-isa.

Paano ba nagiging halaman ang isang tao? Baka kailangan magsikap kasi napakahirap ngayon kumita ng pera. Baka naman sila yung gusto munang maging stable kaya nagpapayaman. O yung gusto lang talaga nila yumaman. Meron ding kakagalling lang sa relasyon o kahit yung failed na love interest. Sinusumpa niya ang bawat makita niyang magkarelasyon na maghihiwalay din sila at sa bawat lalapit na pwedeng prospect ay iniiwasan muna kase natuto na. O sila yung deny nang deny na may nararamdaman sila pero ayaw ilabas. Ayaw kase maalaska. Sa kakaiwas mo, magiging halaman ka din.

Alam mo masaya rin kayang maging halaman. Meron kang time para sa sarili mo. Pwede kang magtravel o kumilala ng iba’t ibang tao. Mag-aral ng bagong instrument. O maghanap ng bagong hobby. Pwede mo rin ubusin ang lahat ng pera mo para sa mga luho mo. Pwede ka rin magpakafit para pag tapos ka na sa halamanization, may asset ka na agad.

May mga instance rin na napapatanong ka sa sarili. May dumarating na tao sa’yo. Halos lahat ata ng standards mo nakuha. May mga signs na nga na pwede mo ituloy pero bakit wala ka pa ring nararamdaman? Walang sparks sa inyong dalawa? Halaman ka pa rin kaya? Bakit ganun? Napakasakit. (Takteng linyahan to’) Sa tagal tagal mong hinintay na magkaroon ng isang <3. Bakit ngayon pa? Siguro eto pa yung residue ng pagiging halaman mo o kaya di mo lang alam na may nadedevelop ka ng halaman syndrome na sarili mo lang ang kaya makagamot o baka naman talaga hindi pa siya ang “The One”. Alam mo ba ang dahilan kung bakit ganito? Bakit ba kita tinatanong?

Pero malungkot din pala maging halaman no? Successful ka nga pero mag-isa ka. Minsan nasasanay na yung katawan mong wala nang maramdaman kasi namaster mo na ang ways to halamanization at hindi mo na kayang iunhalamanize. Ikaw halaman ka ba?


Leave a comment

KUNG BUHAY NATIN AY PARANG SA SIMS

TS4 2015-07-12 16-34-07-18.jpg(Si Hugh Lu, ang pangalan ng character ko sa Sims 4 ay nakacostume ng Darth Vader habang sumasali sa game tournament ng R.E.F.U.G.E)

Pag sinabing Sims. Eto ang naalala ko.

HTTPS://WWW.YOUTUBE.COM/WATCH?V=RSW1LL2J7LC&LIST=PL28035C5306F62897&INDEX=12

Siguro yung iba sa inyo alam yang tunog na yan. Siguro rin yung may mga alam nyan ay mga nasa mga 18 pataas na ang edad.

Naalala mo pa ba yung una mong ginawang Sims? Yung paghiram mo sa kaibigan ng cd kasi di pa uso net noon para magresearch ng cd key. Pati na rin yung pagbili o paghiram ulit ng mga expansion packs.

Bakit nga ba tayo tuwang tuwa maglaro ng Sims? Bakit kaya nakakapagsayang tayo ng ilang oras dito para lang makabuo ng perpektong bahay. Minsan pa nga sa tao pa lang, nakailang minuto ka na.

Iniimagine kasi natin minsan tayo yung Sims sa laro. Ginagawa natin ang lahat para lang maging perpekto ang buhay niya. Halos lahat ng skills ata ay gusto mong imax. Yung bahay mo ay kadalasang mansion. Siguro may extra Sim ka rin para lang gawin mong katulong sa bahay kasi yung service maid minsan sa laro eh di nalilinis ang lahat. Lahat ata rin ng naglalaro nito ay kilala si Rosebud, Klapaucius, Kaching, at si Motherlode. Lahat din ng bagong gamit ay gusto mong subukan kasi may mga animation silang kakaiba at nakakatuwa. Ilang Sims na rin ba yung naging kafling mo dito? Kasi kaya ng isang araw na magkaroon ka agad ng syota o minsan pwede mo na kagad siyang ilive in tas maya maya asawa mo na siya na may anak.

May iba rin na gusto lang pumatay ng kapwa Sim. Ang popular diyan ay yung paglunod, pagsunog sa apoy, at pagkamatay sa gutom. Inaabangan pa kasi natin yung animation ni kamatayan pag may nasawi. Gustong gusto natin minsan magkaroon ng isang haunted house at makita yung mga multo ng pinatay mong Sim.

Napansin mo rin ba na sa Sims ay pare-parehas sila ng height? Pinapakita lang dito na lahat ng tao doon ay halos perpekto. Walang sakit at pimples. May ibang version na nagkakasit pero saglit lang. May iba rin na version na may weather pero kasi pag dinagdag pa yun ay baka lumawak pa lalo ang gameplay.

Di ba sobrang bilis ng oras sa Sims? Magluto ka lang araw-araw ay mapopromote ka na sa trabaho mo bilang chef. Magkaroon ng mga kaibigan na 5 ay mapopromote ka na uli. Paano kaya kung ganoon din sa totoong buhay? Marami sigurong nagsarang kompanya dahil sobrang dali lang umangat.

Napansin mo rin ba na sobrang lalakas ng loob ng Sims. Paano ba naman kasi eh sumasagot din naman agad yung kausap mo at bihira mapahiya. Sobrang smooth lang lagi ng convo nila. 80% ata ang chance para makakuha ka ng mabuting feedback sa kanya. Paano kaya kung ganun tayo katapang? Bigla ka lang kakausap sa di mo kilala at magiging friends kayo pagkatapos ang gabi. They are cherishing the now. Wala silang iniisip kundi gawin lang ang gusto nila.

Bakit kaya walang religion sa Sims? Siguro magkakagulo pag nilagyan kasi maraming magpoprotesta kung bakit di nabigyang justice ang religion nila. Di rin siguro nila kailangan ng guidance kasi nakafocus lang sila sa sarili nila. Ganoon ata kaegocentric ang isang Sim.

Mula Sims 1-4 nalaro ko na. Nakakasawa rin pala pag yun at yun lang din naman ang gagawin mo at pag nagawa mo na ang perpketong Sim. Yun lang din naman ang isa sa mga pagkukulang sa Sims – Nagagawa mong perpekto yung mundo mo. Pero astig parin naman talaga yung gameplay. Nakakasar lang minsan nakakaadik maglaro.


Leave a comment

MAG NBA NALANG TAYO

fresh0219-2.jpg(Capt. Philidelphia ang palayaw ng character ko sa NBA)

Bakit kaya sa tuwing nasa byahe ako pauwi at katapat ang bintana ng bus o fx ay palaging gumagana ang aking utak. Madalas akong nakakapagmuni at nakakapag-isip ng mga bagay bagay na importante.

Minsan ito yung mga pumapasok sa isip ko. Nakakaisip ako ng bagong ideas kung paano uunlad ang bansa. “Paano kaya kung yung mga puno nagbibigay signal sa internet? Magpuputol pa kaya tayo ng puno?” Madalas naiinspire ako magsulat ng mga write-ups na alam kong may kabuluhan na may kung mga kasamang linyang “Ah! maganda isulat to ah, ganda nung plot at mensahe, pag-uwi ko sa bahay, magsusulat ako at ibloblog ko to pagkatapos.” at minsan din eh yung mga plano mo pag-uwi ng bahay or may gagawin ka para maimprove ang sarili mo. Eto yung mga katagang, “Pag weekends, mag-eexercise na ako. Dadalasan ko na yung cardio ko at magbabawas ng kanin.” Puro drawing lang. Meron ding senti moments lalo na pag late night together with the street lights at nasa taxi ka at yung tugtog ay ‘Toto – I’ll be over you’. Lakas makapag-isip na “Bakit kaya kami di natuloy? Ano ba pagkukulang ko? Bat ba kasi ako natatakot? Teka may spark pa ba?”

Bakit kaya sa bintana ng bus or fx or kahit anong kotse pauwi masarap mag-isip. May certain dimension ba tayong napapasukan pag nasa bintana tayo? O parang nasa sa ating pagkatao na yung mag-isip pag wala talaga tayong magawa. “Bakit kaya ako nag-iisip habang nasa byahe?” Natanong mo na ba yan sa iyong sarili habang nag-iisip ka sa bintana?

Pag-uwi sa bahay. Lahat ng naisip mo o yung pinagnilayan mo ay mawawala lalo na pag may kaharap kang TV or PC. Dapat talaga eh nagbabaon ako ng notebook para isulat ko lahat nang naiisip ko eh. Nagawa ko na siya dati pero sa cellphone ko lahat sinusulat. Actually magandang practice siya para sakin. Pero yun nga, pag kaharap ko na laptop ko, “Parang masarap magNBA ah”. MapapaNBA na lang ako. Hanggang sa muli aking mga mumunting ideya, naway naging maganda ang samahan natin sa byahe at sana yung iba ay bumalik kasi talagang magaganda yung ibang ideas.


Leave a comment

WALA NAMANG MANGYAYARI KAHIT MAGPOST AKO NETO

DSC00964.jpgUnang una sa lahat, gusto ko lang mag vent out at magrant. Nais ko lang ilabas ang stress ko sa pagsusulat at alam ko namang di na mababago yung nakaraan. Last day of school at kuhaan ng toga.

ITO YUNG PINAKAMALALANG PILANG NARANASAN KO SA BUONG BUHAY KO!

Maraming istudyante ang maaga palang, pumila na para maaga rin matapos. May mga pumila ng 4:00AM onwards at bilib talaga ako sa kanila. As of 7:00 AM ay nasa 6th flr. na agad ang pila. Ansarap umakyat kasi makikita mong pareparehas silang organized at isang linya lang talaga yung pila. Pag nakakakita sila ng kaibigan sa pila, kawayan lang at didiretso parin sa dulo ng pila. Siguro marami pang nagkakahiyaan sumingit or wala pa yung matitigas ang mukha. Nagkakaisa pa kaming maaaga na walang sisingit kasi alam namin yung nararamdaman ng bawat isa plus respeto na lang din.

9:00AM na at nagsimula na ang bigayan ng toga. Di namin alam kung anong nangyayari sa baba kasi nasa 6th flr. kami. Ang alam ko lang ay inuuna na yung mga pinabalik kahapon bago yung mga kukuha pa lang ngayon. Sa pila namin, wala pa namang bagong mukha at wala pang nagtatangkang sumingit.

11:00AM. Nakakapagtaka bat di kami gumagalaw sa dalawang oras na nakalipas. Siguro kakasimula palang dun sa batch namin mabigyan ng toga.

1:00PM. Aba! Bat di kami umuusad. Mas nakakapagtaka na to kasi nasa 6th flr. parin kami. Ganun ba kabagal ang tao dun sa baba? Bat yun pa yung napili sa bidding kung hindi ganoon kautilize yung sistema nila. Napapansin ko rin na bakit walang umaakyat sa 6th flr. para hanapin yung dulo ng pila. Baka siguro nasa 4th flr. na yung dulo ng pila pero bat nung umusad kami ng bahagya eh di naman nadagdagan yung mga kaninang nasa dulo? San napunta yung mga tanghali na pipila?

3:00PM. Bakit nasa 6th flr. parin kami? Pakonti konti parin yung usad ng pila. Bumaba kami saglit para tignan yung pila sa baba. Yung straight na linya kanina, naging puro umbok na. Dumami yung tao at puro grupo grupo na yung nakapila. Di mo rin naman masita kung sino yung sumingit kasi di mo naman nakita pero halata mo na agad na may sumingit. Bat bat may mga taong may matitigas ang mukha? Di ba nila naisip na marami pang nasa taas na sobrang aga pumila. Yung iba di na nag-almusal makapila lang. Di ba sila kinikiliti ng konsensiya at hiya pati respeto na rin sa mga maaga? Naawa ako sa mga lumalaban ng tapat at matino. Patuloy silang natatabunan ng maling sistema. Di ko alam kung lumaban yung mga nasa baba, kasi kung lumaban sila, di naman makakasingit yung mga yan or talagang matitigas na talaga mga mukha nila na kahit sabihan mo, di na matitinag. Daig pa epoxy.

Ganito na ba nag sinasalamin ng bagong henerasyon? Sinasabi nilang nasa diskarte na ng tao kung paano siya uusad pero tama bang ang paglamang sa kapwa yung pairalin? Yan na lang ba ang nakikinita nating diskarte? Puro ginhawa sa’yo pero pahirap sa iba. Siguro di na ata nila kayang ipaglaban ang dignidad nila kaya ganun.

Ang ganda lang nung sinasabi ng iba na pag nakuha mo na toga mo, dapat masaya ka na. Di mo na dapat iniisip yung mga ganyan. So ganun na lang? Papalipasin mo nalang yung nangyari? Bakit ba may mga nagpopost na galit sila sa mga sumisingit? Karamihan kasi sa kanila yung mga lumaban ng patas at nasingitan. Sila lang naman yung mga pumila ng sobrang aga tapos masisingitan lang ng isang batalyon na kakarating pa lang. Bakit ba may nagpopost ng picture ng mga nangingit? Siguro ito na yung mga sinaway mo pero di pa rin natitinag kaya ito na lang ang bawe ng istudyante sa kanila na di sapat ang confrontation para makita nilang galit ka sa ginagawa nila. Well, mali din naman siguro ipost yung mukha mo sa public na naningit ka pero yun na rin yung way ng isa para makaganti. Ginawa mo yang paniningit na yan, panindigan mong mabash ka ng madla. Gantihan lang naman yan eh. Walang gustong may malamangan.

6:10PM. Nakuha na namin yung toga. 11 hrs. din kami pumila na dapat di naman aabot sa ganito kung may respeto ang isa’t isa. Ang nangyari ay lamangan at patigasan. Pangit na nga ang sistema nung Gorilla Trading, pumangit pa lalo sa mga istudyanteng di nagiisip ng kapwa nila.

Marahil ginhawa ang nakuha mo sa pag singit, may pinanghahawakan pa rin kaming dignidad sa aming sarili. (Me for president lol) “What is essential is invisible to the eye.” – The Little Prince

Alam kong walang mangyayari kapag pinost ko to’. Balak ko lang ilabas ang stress ko sa pagsusulat kasi di sapat magvent out personally kasi 11hrs. ka ba naman pumila. Salamat!

(Old post 1 yr. ago)


Leave a comment

ISA AKONG SUPERHERO.

superhero.jpgKamusta mambabasa! Kung meron man dyan haha pero nakakatuwa na may isa na daw akong fan! Salamat sa iyo kung nababasa mo to’ 😀 Isa kang dakila. Magsusulat na naman ako para lang mawala ang kaboringan ko. Isa na namang trip na pagsusulat ang matutunghayan nyo. Sensya sobrang pormal ko magsalita. (Napili ko yung suit ni Spiderman kasi favorite hero ko siya)

Nung bata ako, ang hilig hilig ko sa mga superheroes. Natutuwa kasi ako tignan yung mga kapangyarihan nila pati na rin yung mga costumes nila. Dagdag pa yung mga ginagawa nilang mabuti at para iligtas ang mga tao sa kapahamakan at sa masasamang tao. Astig pa yung mga fight scenes kasi yun talaga din yung tinitignan ko. Kung paano sila lumaban. Iniisip ko noon kung nagkaroon ako ng superpowers, ano kaya ang gagawin ko? Magcocostume rin kaya ako? Ano kaya powers ko? May villain din kaya? Tas may sidekick ba ako kung sakali? At kung may leading lady din ako kasi halos lahat sa palabas meron eh.

Napansin ko lang sa mga superhero, para nakafocus lang yung attention sa pagligtas ng tao at pakikipaglaban sa kani kanilang kalaban. Palaging yun lang pinapakita pero yun nga naman talaga ata yung normal eh. Pag may superhero, may super villain pero paano naman kaya yung ibang kalaban kagaya ng tao. Yung mga nakakataas. Di ba isa rin naman silang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga magnanakaw kasi yun yung nakikita ng iba na paraan para buhayin ang sarili nila. Bat kaya di yun yung tugisin nila at ayusin ang bansa haha, Tas paniniwalaan pa sila ng tao kasi superhero nga sila. Pero anong use ng superpowers kung yun lang din naman gagawin mo? Kahit wala naman kaya yun eh.

*Ay yung X-men pala mapolitics kaso more on nga lang sa mutant rights yung sa kanila.

image

Kaya parin naman magamit ang superpowers eh. Kung idle yung superhero at matagal tagal siyang walang kalaban, pwede siyang tumulong sa mga mahihirap o kaya sa ibang tao. Kunwari malakas ka kagaya ni Hulk o ni Superman, pwede kang gumawa ng patubig sa mga magsasaka. Kung si Storm ka naman, papalayasin mo na lang yung bagyo para wala nang masalanta. Sa mga mangingisda, tutulungan ni Aquaman yung tao para makahuli ng maraming isda. Di ba pwede naman tumulong sa mga tao eh kesa puro laban nakikita mo haha.

*Bilib ako sa Avatar yung may bending ah. Kasi siya tumutulong talaga sa mga tao at pinapanatili ang balanse sa mundo.

image

Kaso yang pagtulong nga pala na yan eh sana di na aasa yung mga tao sa mga superheroes kasi baka masanay na palagi silang andyan. Napapagod rin naman sila at kelangan din magbakasyon. Kaya nga may costume yung iba para itago ang identity nila para di sila abusuhin ng tao. Kaya maganda na pang emergency lang sila.

image

*Kung naalala nyo yung episode na inabuso si Spongebob dahil may kakayahan siyang lumipad.

So may balak ka pang maging superhero?

(Old post 1 yr. ago)


Leave a comment

THE SPARK CYCLE

spark cycle.jpgKamusta mambabasa! O kaya napabisita dahil bored na. Ako’y nagbabalik para mantrip at magsulat tungkol sa mga bagay bagay na di naman nakakatulong sa bayan. Ito ay purong pansarili lamang. Kung ayaw mo yung walang sense, pwede ka nang umalis. De joke lang pero sige kung kaya mo basahin, sige lang 😀

Eto ay patungkol ngayon sa tinatawag kong “Spark Cycle”. Ito ay isang phenomena na natural na nararanasan natin. Nangyayari to pag may nakikita tayong maganda sa mata. Biglaan lang siyang sasapul sa utak mo na “Ow” na di mo maintindihan bat parang interesado ka sa kanya. Ewan ko ba bakit di mo maexplain kasi yung pisikal ay di sapat para magkaroon ng spark. Siguro may mga bagay na nagpapalakas ng nararamdaman tulad ng hangin pag humawi siya ng buhok, o yung pagtali nya ng buhoy na papony tail, o yung ngiti na parang mas malakas pa sa Ebola pag ikaw ay tinamaan o yung matang kay pungay na sobrang lakas ng dating. Ito na ata ang sinasabi nilang “Sparks” na sumabog na lahat ng hormones mo sa utak para magkaroon ka ng kiliti sa iyong sarili.

Nakakaenjoy magkaroon ng Sparks kase lagi mong nararamdaman yung feeling na may gusto ka sa isang tao. Ito minsan ang dahilan kung bakit ka pumapasok sa eskwelahan o kaya yung pagsali mo sa iba’t ibang orgs na di mo naman gusto o kaya mahalin ang ibang obra na di mo naman talaga gusto. Minsan napapapoetry ka pa dahil sa kanya. Ansarap talaga ng ganito na parang may dahilan ka lagi paggising mo. Araw-araw inspirasyon at nagagawa mo yung di mo kayang gawin dati para lang makita siya. Kulang na lang maging stalker ka nya.

Okay mapunta na tayo sa cycle. Lahat ay may katapusan. Di lahat puro kasiyahan. Eto na yung cycle.

SPARKS > STALK > TALK > APOY > WALA NA

Ang unang phase ay yung isa sa pinakamasayang pangyayari kase dito mo mararamdaman ang lahat. Kilig, inspirasyon, at kung ano ano pa. Punta na tayo sa third phase kasi alam nyo naman ang ginagawa sa 2nd phase. Ang third ang pinakaimportante sa lahat. Dito mo malalaman kung tatagal ba ang Sparks o maglalaho na lang. Dito kasi natin nakikilala yung tao kung ano ba talaga siya. Baliw, Alien, Hayop o kung ano pa man. Ito rin ang big step para umusad ka brad. Pag di mo siya makakausap, alaws din at malabong magtagpo ang landas ng prospect mo. Sa phase na rin na to ay malalaman mo kung may sparks din sya sayo. Yun yung isang masyang information pag nalaman mong meron din kasi trabaho mo na lang na iignite yung sparks para maging apoy. Pero kung wala, minsan kasi mahirap basahin ang tao o minsan wala talaga kaya matitigil na kagad ang kahibangan mo at titigil ka na sa kanya. May mga instances rin na okay naman yung istado nyo ngayon, di ka pa naman binabasted o finefriendzone, ibig sabihin nasa saiyo na kung papalakasin mo yung spark para maging apoy o stay na lang as spark hanggang mawala.

Third phase, ay yung turning sparks into fire. Panu nga ba papalakasin ang spark? May two ways ka para palakasin ang apoy. It’s either sa pagsisikap mo, lalakas yung apoy o yung sa sobrang sikap mo, maanoy siya at lalakas talaga yung apoy kasi magagalit sayo at gusto ka na nyang sunugin ng buhay. Dun muna tayo sa positive na apoy. May ibang cases na malalaman mo na agad na may sparks siya sayo, trabaho mo na lang na keep the fire going. Pero yung tatrabahuhin mo pa, astig din yan kasi diyan mo ipapakita na espesyal siyang tao sa’yo. Syempre dyan kayo magkakakilala talaga. Lahat na ata ng mani obra gagawin mo. Gayuma, kulam, ligaw, pamamanhikan, bili ng regalo at kung ano ano pa para lang maging stable kayo. Well alam mo naman yung feeling pagnagkiclick na kayong dalawa eh. Para kang nasa alapaap nyan at naglalaro lang sa ulap. Para kang laging umiinom ng Cobra kasi di ka nauubusan ng energy. Gamitin mo yan brad para makatulong sa bayan o kaya para maimprove ang sarili mo para mabigyan mo ng magandang future si girlie hihi. Dun naman tayo sa negative fire. Lahat naman nakakaramdam ng hagupit ng basted at friendzone eh. Di natin mahuhubog ang pag-iisip ng tao para magustuhan tayo. Ang gagawin mo lang dito eh yung mag move on o kaya magsumikap pa at magpakabayani. Di ko lang alam kung gaano kamartyr ang gagawin mo para mareverse ang epekto neto. Goodluck sayo pero tandaan, marami pang bagay ang pwedeng gawin kesa maghanap ng sparks.

Last phase, ang pinakamasaklap. Ang pagpatay sa apoy. Panu ba nangyayari to? Eto na ba yung point sa buhay na wala ka nang makitang apoy at napapagod ka na magbigay ng panggatong para lang umapoy? Dito na ata kase siguro yung puro nagkakalabuan na. Bigayan na ng rants to sa buhay sa isa’t isa kasi dito ay fully kilala mo na siya. Ang huling tanong na lang dito ay kung napipicture mo na siya para sa future mo at kung pano ang magiging relasyon nyo. At ang tanong na, matatanggap mo ba siya sa kanyang buong pagkatao? Parang kasal lang. Kasi dapat ganito tayo mag-isip para di magkaroon ng unsuccessful marriage. Teka anlayo ko na bat ganun. Basta, ganito dapat yung mindset para walang nasasayang na oras at feelings. Kasi ang feelings di mo alam kung kelan mauubos yan. At isa pang dahilan kung bakit namamtay yung apoy eh yung paglisan ng isang katuwang. Isa siyang natural na pangyayari na dapat nating tanggapin. Ang huling trabaho na lang natin ay alagaan ang natitirang apoy na iniwan niya sa atin para sa susunod na buhay 😀

*Anlalim ba? Badtrip, nagkandaloko loko na yung mga sinulat ko.

(Old post 1yr. ago)